MAG-TIYUHIN NALAMBAT SA BUY-BUST OPERATION

LA TRINIDAD, Benguet

Nasakote ang magtiyuhin matapos magbenta ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng
Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera sa Barangay Lamtang,La Trinidad,Benguet, hatinggabi ng Abril 24.
Kinilala ang nbadakip na si Juniver Balantan at pamangkin na si Rufino Sagada, na target sa operation, na pawang taga Bakun,Benguet. Tinatayang apat na kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana, na kinabibilangan ng dalawang bricks at 2 pie shaped concealment ang nakumpiska mula sa mga suspek na may street value na P480,000.00.

Ayon sa PDEA, nakatransaksyon nila si Sagada at napagkasunduan na magkikita sa isang lugar sa boundaries ng Baguio at La Trinidad. Paglabag sa Dangerous Drug Act of 2002 ang inihahanda laban sa mga suspek na nakakulong ngayon sa PDEA Regional Office sa Camp Bado Dangwa,La Trinidad,Benguet.

Zaldy Comanda/Darius Bajo/ABN

Amianan Balita Ngayon