2 rebeldeng NPA sa Abra sumuko

CAMP DANGWA, LA TRINIDAD. Benguet (September 7, 2021) – Marahil sa girap ng buhay na dinadanas sa kabundukan ay nagpasya ang dalawang pinaghihinalaang miyembro ng New Peoples Army nan aka base sa lalawigan ng Abra na sumuko na sa maykapangyarihan upang mamuhay ng normal sa kapatagan.
Kinilala ni Army Lieutenant Colonel Sonny Gonzales, commander ng 71st Infantry Battalion ang mga sumukong rebelde na sina ”Ka Rudy” and “Ka Alfonso”, na pawing miyembro ng Kilusang Larangang Guerilla—Abra, Mountain Province, Ilocos Sur (KLG-AMPIS).
Isinujo rin nila ang kanilang mga armas na tatlong M1 Garand rifles; dalawang magazines; tatlong round ng 30mm ammunition; isang Springfield rifle; at isang Carbine rifle may isang round ng ammunition.
Ayon kay Gonzales “ the snowballing surrender of rebels is the result of government troops’ efforts to convince the remaining members of the underground mass organizations to withdraw their support to the underground communist movement”.
Idinagdag pa niya na ang pagsuko ng dalawang rebelde ay bung ana rin ng intensive implementation ng Community Support Program (CSP) ng 71st Infantry Battalion at ng kagawaran ng Philippine National Police sa Sitio Likowan, Barangay Amtuagan at Sitio Pananuman, Barangay Tubtuba, sa bayan ng Tubo, Abra.
“Itong mga bagong sumuko ay biktima lamang ng mga kasinungalingan at panloloko ng mga kalaban. Hinihikayat ng buong kasundaluhan ang mga natitirang kasapi ng NPA na kumalas na at magbalik-loob sa ating gobyerno.
May mga programa ang ating gobyerno para sa kanilang pagbalik at pagbabagong buhay, wala na silang rason upang mag-alsa pa,” Gonzales stressed.
Artemio A. Dumlao/ABN

Amianan Balita Ngayon