21 PATAY SA DENGUE SA PANGASINAN NOONG 2023; MGA KASO TUMAAS NG 12%

LINGAYEN, Pangasinan

Hinihimok ng mga awtoridad sa kalusugan ang mga Pangasinenses na agad kumuha ng tulong medikal kung nakakaranas ng mga sintomas ng dengue fever matapos makapagtala ang probinsiya ng 21 pagkamatay at tumaas ng 12 porsiyento ang mga kaso noong 2023. Sa datos mula sa
Provincial Health Office (PHO) Epidemiology and Surveillance Unit ay nakitang mayroong 3,308 mga kaso ng dengue noong nakaraang taon, 12 porsiyentong mas mataas kaysa 2,956 kaso noong 2022.

Karamihan ay naitala sa panahon ng tag-ulan, o mula Agosto hanggang Oktubre. Dalawampu’t isang pagkamatay ang naitala noong nakaraang taon, tumaas mula siyam ng nakaraang taon, kung
saan ang pinakabata ay walong buwan at ang pinakamatanda ay 69 taong-gulang. Sa isang panayam kay Provincial Health Officer Dr. Cielo Almoite noong Lunes, sinabi niya na ang mga namatay ay nakaranas ng mga huling yugto ng dengue at huli na nang mai-refer sa mga ospital.

Sinabi niya na ang mahihirap na pasyente ay huwag mag-aalala sa mga bayarin sa ospital dahil
makakakuha sila ng mga benepisyo sa ilalim ng Universal Health Care law. Ang 14 ospital na
pinapatakbo ng gobierno ng probinsiya ay mayroong mga dengue fast lane upang agad na matugunan ang mga kasong may mga sintomas ng dengue, aniya. Sinabi ni Almoite na pinapalakas ng PHO ang adbokasya nito sa mga barangay para sa pagpapatupad ng “4S” sa paglaban sa dengue – destroy mosquito-breeding Sites, Secure self-protection measures, Seek early consultation, at Support fogging or spraying in areas with clustered cases.

(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon