CAMP DANGWA, Benguet
Inaresto ng mga pulis ng Cordillera ang 21 indibidwal na pinaghahanap ng batas, sa magkakasabay na manhunt
operation noong Mayo 12-18. Sa talaan mula sa Regional Investigation and Detective Management Division, ang
Benguet Police Provincial Office ay nakakuha ng pinakamataas na bilang ng mga naaresto na may siyam, sinundan ng Ifugao PPO na may apat na naaresto; Baguio City Police Office na may tatlong naaresto, Kalinga PPO na may dalawang naaresto, at Abra PPO, Apayao PPO, at Mountain Province PPO na may tig-iisang arestado.
Bukod sa mga pagarestong ito, 58 sa 76 na munisipalidad sa rehiyon ang nagtala ng zero crime incident dahil sa walang tigil na operasyon na isinagawa ng PRO Cordillera. Ang Abra PPO ay nag-ulat ng zero crime incidents sa 24 na munisipalidad nito, na sinundan ng Mountain Province PPO na may 10 munisipalidad, Ifugao PPO na may walo, Apayao PPO at Benguet PPO na may tig-anim, at Kalinga PPO na may apat. Higit pa rito, sa loob ng Baguio City, dalawang istasyon ng pulisya, ang Loakan Police Station (PS4) at Abanao Police Station (PS7) ay nag-ulat din ng zero crime incidents mula sa sampung police station ng lungsod.
ZC/ABN
May 25, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024