Tatlong babae at 19 lalaki ang nagtunggali sa ikatlong “Laban para sa Pagbabago” ng Baguio City Police Office na ginanap sa Barangay Engineer’s Hill covered court noong Martes ng hapon (Hunyo 13). Ang programa ay pinangunahan ni City Police Director PSSupt. Ramil Saculles habang nagsilbing kasangga ng BCPO ang SM City Baguio at pamahalaang lungsod. Ayon kay Police Community Relations Unit (PCRU) Chief Armando Gapuz, ang “Laban para sa Pagbabago 3” ay isang programa ng BCPO na nakatuon sa kabataan ng Baguio City lalo na sa mga hindi nag-aaral at sa kabataang naging drug dependent. Ito ay naglalayon na bigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na maging kapakipakinabang para sa komunidad at nagsisilbi itong instrumento para iparamdam na may pagpapahalaga at pagmamahal ang gobyerno para sa kanila. Dagdag pa niya na ang naturang programa ay kaugnay sa nais ni Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde na bigyan ng pagkakataon ang mga drug dependent na magbago at magsimulang muli. Pahayag naman ni Saculles, ang “Laban para sa Pagbabago 3” ay nagsisilbing unang baitang para sa mga gustong maging propesyonal na boksingero sa Cordillera. Pagsasalarawan ni Sheila Omalio, 19, estudyante ng Benguet State University at isa sa mga kalahok, ang “Laban para sa Pagbabago 3” ay isang magandang programa para maiiwas ang mga kagaya niyang miyembro ng kabataan sa mga di kaaya-ayang gawain, kaya payo niya, subukan at maging kalahok sa ano mang uri ng sports sapagkat ito’y hindi basta lamang simpleng mga laro kundi may magandang benepisyo sa kalusugan at pangangatawan pati na rin sa lipunan. Para naman kay Brenda Omalio, ina at coach ng team Muay Boran, itong nasabing programa ng BCPO ay magandang pagkakataon para maipamalas ng kabataan ang galing nila sa larangan ng sports. Dagdag pa niya na isa itong epektibong paraan upang matutunan ng bawat isa ang kahalagahan ng pagkakaroon ng disiplina at pagkakaisa. Nagtapos ang programa sa pag-anunsyo ng mga nanalo para sa iba’t ibang dibisyon, samantala, hindi naman umuwing luhaan ang mga hindi pinalad dahil nakatanggap sila ng giftpacks mula sa SM City Baguio. ROMELO DUPO III, UC Intern / ABN
June 16, 2018
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025