24 WANTED PERSON NASAKOTE SA CORDILLERA

24 wanted person nasakote sa Cordillera

CAMP DANGWA, Benguet

Nasakote ng kapulisan ang 24 katao na pawang wanted sa batas, kabilang ang pitong Top Most Wanted Persons (TMWPs),matapos ang isinagawang manhunt operation sa Cordillera, noong Nobyembre 17-23. Sa ulat ng Regional Investigation and Detective Management Division ng PRO-CAR, ang Baguio City Police Office ang nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng mga naaresto na 12 wanted persons. Sinundan ito ng Ifugao Police Provincial Office na may apat na naaresto, Benguet PPO na may tatlong naaresto, Abra PPO na may dalawang naaresto, at Apayao PPO, Kalinga PPO, at Mountain Province PPO na may tig-iisang arestado.

Sa pitong nahuli na TMWP, lima ang kinilala bilang TMWP sa provincial level, habang dalawa naman sa municipal level. Inaresto sila dahil sa mga paglabag kabilang ang panggagahasa, R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs
Act of 2002), dalawang bilang ng lascivious conduct sa ilalim ng R.A. 7610 (Anti-Child Abuse Law), ayon sa batas na
panggagahasa, at pagpatay. Malaki rin ang naitulong ng kampanya sa pag-iwas sa krimen, na may zero na insidente ng krimen na naitala sa 61 munisipalidad sa rehiyon. Kabilang dito ang 24 na munisipalidad sa Abra, sampung
munisipalidad sa Mountain Province, siyam na munisipalidad sa Benguet, walong munisipalidad sa Ifugao, anim na
munisipalidad sa Apayao, at apat na munisipalidad sa Kalinga. Bukod dito, naitala rin ng Police Station 1, PS2, PS3, PS4, PS5, PS7, PS8, at PS10 ng Baguio City Police Office ang zero crime incidents.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon