250 siklista nakilahok sa unang PROCOR Padyak 2017

CAMP BADO DANGWA, LA TRINIDAD – Tagumpay at payapang naidaos ang kauna-unahang aktibidad ng Police Regional Office-Cordillera (PROCOR) na pinamunuan ni Regional Director PCSupt Elmo Francis Oco Sarona at sa tulong ng mga kinatawan ng directorial staff officers at koordinasyon ng pitong Police Provincial Offices at ng Baguio City Police Office noong ika-2 ng Hunyo 2017.

Bago sinimulan ang karera sa La Trinidad Police Station Office ay nagsagawa muna ng oath of sportsmanship na pinangunahan ni Sarona at ng 250 siklista na mula pa sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon na binubuo ng mga sibilyan at PNP personnel.

Sa registration fee na P500 ng bawat kalahok ay malaking katulungan na rin ito sa malilikom na nakalaan para suportahan ang fund raising ng mga drug surrenderers na nakatuon sa pagdadala ng kamalayan sa isang malusog na pamumuhay at upang matamo ang isang mas malakas na kahulugan ng pakikipagkaibigan sa pagitan ng mga kalahok.

Tulad ng mga bagong naitala na kusang sumuko, ang mga gumagamit ng bawal na gamot sa PROCOR ay nagbayad ang pagsuko ng 10,818 drug personalities sa rehiyon Cordillera mula Hulyo 1, 2016 hanggang 20 Abril 2017.

At ang pinaka-highlight na programa ay ang pagtatanghal na maipagkaloob ang tseke na halagang P10,000 para sa Department of Health (DOH) ng Baguio City na tinanggap ni Dr. Clarette Rosario, Medical Specialist II at Dr Shelly Aral, Medical Officer IV na kumakatawan sa Baguio Rehab Center at isa pang tseke na halagang P10,000 na para kay Dr. Mary Josephine P . Dulawan, na kumakatawan sa Ifugao Rehabiltation Center.

Sinabi ni Sarona, “Labis ang aking pasasalamat sa pakikipagtulungan ng PNP at ng mga iba’t ibang mga stakeholder na nagpakita ng buong suporta partikular sa kauna-unahang proyekto na ating pinagsikapan gawin ang “Padyak Tungo sa Pagbabago 2017.

“Isang paraan rin ito na suportahan ang pamahalaan sa kampanya nito laban sa ilegal na droga upang mabawasan at ganap na puksain ang mga banta ng bawal na gamot sa rehiyon,” ani Sarona.

Samantala, nabiyan ng gantimpala para sa top 3 civilian amateur finishers, nauna si Cazan Clyde Carreon, pangalawa si James Dacayanan at pangatlo si Sonny Lamsis.

Ipinagkaloob naman ang special awards bilang oldest finisher kay Ret. PSSupt. Brigildo Balaba, 71 anyos, at civilian lady finisher award kay Marjorie Velo at ang youngest finisher awards naman sa magkapatid na sina Willer Ander Tarnate, 8, at Ren Henry Tarnate, 5.

Ginanap ang programa at awarding sa PROCOR Grandstand, Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet. ABN

Amianan Balita Ngayon