LA TRINIDAD,Benguet
Nalambat ng Cordillera cops ang 26 individual na nagtatago sa batas, matapos ang manhunt operations na isinagawa, noong Abril 28 hanggang Mayo 4. Batay sa tala ng Regional Investigation and Detective Management Division, ang Baguio City Police Office ang nakapagtala ng siyam na wanted na naaresto, sinundan ng Benguet Police Provincial Office na may walong nadakip; Abra at Kalinga PPO na may tig-tatlong parestado; Apayao PPO na may dalawang arestado at Mountain Province PPO na may isang arestado.
Lahat ng mga naarestong wanted na personalidad ay dinala sa mga tanggapan ng kani-kanilang arresting units para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. Bilang proactive na hakbang upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon, ay naitala ang zero crime incidents sa 27 munisipalidad sa Abra, walong munisipalidad sa Ifugao, tig-pitong munisipalidad sa Benguet at Mountain Province, anim na munisipalidad sa Kalinga, at limang munisipalidad sa Apayao. Sa Baguio City, ang Camdas Police Station (PS2), Aurora Hill Police Station (PS6), Kennon Road Police Station (PS8), at Irisan Police Station (PS9) ay nagtala rin ng zero crime incident sa 10 police stations sa lungsod.
Zaldy Comanda/ABN
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024