MILITAR LAGING HANDA PARA SA PANLOOB, DAYUHANG MGA BANTA

LUNGSOD NG LAOAG, Ilocos Norte

Inulit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Martes na hindi nila papayagan ang sinumang dayuhang
puwersa na panghimasukan ang soberenya ng bansa. Sinabi ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla sa mga reporter sa isang press conference dito noong Martes na ipagpapatuloy ng militar ang laban kontra sa insurhensiya habang “lumipat tayo sa panlabas na seguridad.” “We have so many issues over and above the West
Philippine Sea but we would like to join hands together in a whole of nation approach towards a greater challenge that we are facing, which is external defense,” ani Padilla.

Idinagdag niya na ang pamamaraan ng AFP ay udyok ng tungkulin nito na protektahan ang bansa at makipagtulungan sa mga kaalyado upang masiguro ang isang “matatag at ligtas na kapaligiran para sa lahat.” Ang mga tropa ng militar ng Pilipinas at ng Estados Unidos ay nasa Ilocos Norte para sa Balikatan Exercise. Ang pangunahing layunin ng military exercise ay upang tamaan ang isang nadekomisyon na barko ng Philippine Navy para pahusayin ang mga taktika, mga teknik at mga pamamaraan, sa malawak na saklaw ng mga military operations.

Ang Balikatan sa taong ito ay isinusulong ang pinagsamang modernisasyon ng militar at pagpapaunlad ng kakayahan. Ang taunang mga pagsasanay ay opisyal na magtatapos sa Biernes, Mayo 10 sa pakikilahok ng Australian Defense Force at ng French Navy. “Their inclusion brings value to the exercise by increasing defense cooperation amongst regional allies and partners,” ani sa isang pahayag ng AFP. Ang mga kinatawan mula sa Japan, South Korea, India, Canada, United Kingdom, Thailand, Singapore, Vietnam, Indonesia, Brunei, Malaysia, Germany at New Zealand ay inimbitahan bilang mga tagamasid.

(LA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon