2,769 COPS IKINALAT PARA BANTAYAN ANG FILING OF CANDIDACY SA CORDILLERA

CAMP DANGWA, Benguet

Nakakalat ngayon ang 2,769 pulis sa iba’t ibang lalawigan para matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa buong panahon ng paghahain ng Certificates of Candidacy sa rehiyon ng Cordillera, mula Oktubre 1 hanggang 8, 2024. Ayon kay Brig.Gen.David Peredo,Jr., ang mga pulis ay ilalagay sa iba’t ibang lokasyon ng filing of candidacy upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga kandidato sa paghahain ng kanilang Certificate of Candidacy (CoC).

Aniya, magbibigay sila ng suporta sa pamamagitan ng pagdidirekta sa trapiko, pagtiyak ng kaligtasan ng publiko at
pagtugon sa anumang alalahanin na maaaring lumitaw sa proseso ng paghahain. “Nakahanda ang aming mga opisyal ng pagpapatupad ng batas na itaguyod ang isang patas at ligtas na kapaligiran para sa lahat ng kandidato, publiko, at komunidad,” pahayag ni Peredo.

Sinabi pa, na kasama nila ang AFP, lalo na sa lalawigan ng Abra, na hindi lamang nakatuon sa pangangalaga sa proseso ng elektoral kundi pati na rin sa pagtiyak ng patuloy na kaligtasan at seguridad ng ating mga komunidad sa buong mahalagang yugtong ito, para masiguro ang mapayapa at maayos na proseso. Sa nakalipas na tatlong araw ng filing of candidacy ay walang naiulat na kaguluhan at nananatiling mapayapa sa iba’t ibang lokasyon sa rehiyon.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon