2OO ROOKIE COPS BAGONG MIYEMBRO NG PRO CORDILLERA

CAMP DANGWA, Benguet

Pinanumpa ni Brigidier General David Peredo, Jr.,regional director ang 200 pulis bilang bagong miyembro ng Police Regional Office-Cordillera sa ginanap na seremonya sa Masigasig Grandstand, Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet noong Nobyembre 13. Bilang bahagi ng programa, si Lt.Col. Richard Albon, hepe ng Regional Recruitment and Selection Unit- Cordillera, ang nag-prisinta sa mga kandidato para sa appointment, habang binasa naman ng Chief of the
Regional Personnel Records and Management Division, Col.Arnold Razote, ang appointment order ng 200 bagong pulis, na binubuo ng 142 Patrolmen at 58 Patrolwomen.

Mataps ang oath-taking, sinundan ito ng ceremonial awarding ng ATM Cards sa mga appointees. Hinamon ni Peredo ang mga bagong itinalagang Patrolman at Patrolwomen na patunayan sa
PRO Cordillera na karapat-dapat silang maging isa sa mga pulis ng “Home of the Most Disciplined
Cops.” “Ngayon, hinahamon ko ang bawat isa sa inyo na ibigay ang inyong makakaya at huwag
panghinaan ng loob sa mga batikos.

Ako, bilang inyong Regional Director, kasama ang Command Group, ay nagtitiyak sa inyo na kami ay naririto upang gabayan kayo, bigyang-inspirasyon, at ilabas ang pinakamahusay sa inyo para sa mga taga-Cordillera at sa Poong Maykapal,” dagdag ni Peredo. Pagkatapos ng oath-taking ceremony, ang 200 bagong hinirang na Patrolmen at Patrolwomen ay sasailalim sa anim na buwang Public Safety Basic Recruit Course na susundan ng anim na buwang Field Training Program bilang bahagi ng kanilang paghahanda para maging ganap na pulis.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon