3 katao, nadakip sa pagsunog ng 2 trak ng Philex Mines

Feb 11, 2017

CAMP DANGWA, BENGUET – Tatlong katao na suspek sa pagsunog sa dalawang Volvo truck na pag-aari ng Philex Mining Corporation ang nadakip sa hot pursuit ng pulisya, matapos ang insidente noong Pebrero 9 sa Sitio Tapak Brgy. Ampucao, Itogon, Benguet.
Ayon kay Senior Supt. Angelito Casimiro, deputy regional director operations of the Police Regional Office-Cordillera, ang tatlong suspek na nakilalang sina Antonio Cabalser, Sarah Abellon-Alikes at Marciano Passon Sagun, ay nasa custody ngayon ng 503rd Birgade ng Philippine Army na naka-base sa Loakan Airport, Baguio City. Masusing iniimbestigahan kung ang mga ito ay miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA).
Matatandaan, dakong 7:30 ng umaga ng Pebrero 9 ay limang armadong miyembro umano ng NPA ang humarang sa dalawang truck ng Philex Mines at sinunog ito.
Agad nagsagawa ng hot pursuit operations ang pulisya at naaresto ang tatlong suspek na sakay ng kanilang sasakyan dakong 9 ng umaga ng araw ding iyon sa magkahiwalay na lugar sa may 302 Tiptop, Ambuklao, Gibraltar at checkpoint sa Ambuklao Road.
Ang dalawang sasakyan Isuzu DMax na plakang ZRH 321 at Innova Blue na may plakang VJ 3573 na sinakyan ng mga suspek ay nakita ng mga nakasaksi sa lugar habang sinusunog ang dalawang trak.
Samantala, labis na kinondena ng Philex Mining Corporation ang pagsunog sa kanilang dalawang trak.
Nagpahayag din ng pagkondena si Itogon Mayor Victorio Palangdan at nagsabing walang dahilan para ibalik pa ang peace talks kung patuloy ang paghahasik ng mga rebelde ng kaguluhan, gaya ng sinabi ni Presidente Rodrigo Duterte, ang all out war laban sa mga rebelde.
Aniya, nagnenegosyo, nagbibigay ng trabaho at income sa kanilang bayan ang nasabing minahan, kaya dapat na managot ang sinumang may kagagawan sa pagsunog sa trak.
Ayon kay Ed Aratas, chief ng legal affairs ng Philex Mines, base sa testimonya ng dalawang drayber ng trak, hinarang sila at kinompronta ng mga suspek na pawang armado ng de-kalibreng baril at may hawak na banner ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA) at agad na pinababa sila sa sasakyan at magkasabay na sinunog ang dalawang trak.
Ayon pa kay Casimiro, ang buong kapulisan sa rehiyon ay isinailalim sa red alert status matapos ang insidente at hinimok ang mga mamamayan na maging vigilante laban sa mga masasamang elemento na sumisira sa peace and order ng rehiyon.
Nang tanungin ng reporter na ito si PROCOR spokesperson Jen Kiwingan kung NPA member ang mga nadakip na suspek ay tumanggi itong magbigay ng pahayag, sa halip ay itinuro niya si Brig. General Roy Devesa, commanding officer ng 503rd Brigade ng Philippine Army na naka-base sa Loakan Airport, dahil sila umano ang nagsasagawa ng imbestigasyon.
Tinangkang i-text nang dalawang beses ng reporter na ito si Devesa para kumpirmahin kung NPA member ang mga nadakip na suspect, subalit wala itong sagot.
Napag-alaman na ibinalik na sa PNP custody ang mga suspek, ayon din kay Kiwingan. Subalit tumanggi itong magbigay ng pahayag kaugnay sa status ng mga suspek.
Samantala, nagpahayag ng pagkabahala ang ilang netizens sa social media bunsod ng naturang pag-atake ng hinihinalang NPA.
Ngunit agad naman itong kinalma ni Aratas sa kanyang post sa facebook at hinimok pa nito ang publiko na huwag maalarma. “Let us not contribute to confusion and anxiety. Instead, let us appease one another and offer prayers for all,” aniya.
Kaugnay nito, naglabas din ng pahayag si Baguio City Mayor Mauricio Domogan upang apulahin ang mga maling impormasyon na kumakalat sa social media.
“We are safe in Baguio. We are not on Red alert status,” aniya.
“While our neighboring municipality is on heightened alert due to the hot pursuit being done by the Philippine National Police and the Philippine Army against those who caused the burning of 2 trucks of Philex Mines at Camp 4, Tuba, Benguet yesterday morning, Baguio City remains peaceful and on preemptive alert. Do not get worried or alarmed with the 300 police trainees scattered within the city, they are trainees who will stay with us in the city for six months.
“Circulating messages through text and the social media did not come from authorities but may serve as precautions. Let us not panic but rather be vigilant,” pahayag ng mayor.
Dagdag pa niya ay kasalukuyan siyang nasa Ifugao upang pangunahan ang Regional Peace and Order Committee kasama sina PRO-COR Regional Director Elmo Sarona, DILG Regional Director Marlo Iringan, mga local chief executives at iba pang miyembro ng RPOC-CAR.
“We assure each and everyone that the region is under control and peace and order is in state,” paniniguro ni Domogan. Zaldy Comanda / ABN

RELATED POSTS

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest