8 katao sugatan sa salpukan ng kotse

LUNGSOD NG BAGUIO – Sugatan ang walong katao matapos nagbanggaan ang dalawang sasakyan sa Leonard Wood Road noong ika-10 ng Pebrero 2017, dakong 5:50 ng umaga.
Sa ulat ng pulis, ang Toyota Corolla sedan na minamaneho ni Kevin Patrick Miranda Payoyo, 24, may-asawa, at residente ng Bonifacio Street, ay mula sa direksyon ng Pacdal at binagbagtas ang palikong bahagi ng daan patungo sa city proper nang dumausdos at tumagilid ang sasakyan.
Sinakop nito ang kabilang lane sa tapat ng Teacher’s Camp at bumangga sa Mitsubishi Adventure Wagon taxi na minamaneho naman ni Emilie Saberano Melicio, 46, at residente ng Sanitary Camp.
Nagtamo ang dalawang sasakyan ng matinding pinsala na hindi pa malaman ang halaga.
Sugatan ang dalawang driver at ang apat na pasahero ng sedan na sina Skye Valdez, 21, waiter, residente ng Camp7; Reginal Ugalde Dela Cruz, 20, residente ng Km3, La Trinidad; Christian Danganan I, 21, residente ng Sarok Camp 7; at si John Paoloa Mandapat Bayuga, 21, residente ng Km5, Asin Road.
Nasugatan din ang dalawang pasahero ng taxi na sina Rodan Reyes Cocoyoran, 22, helper, at Micheal John Cacad, 22, self-employed, parehong residente ng Gibraltar.
Agad namang rumesponde ang Baguio City Emergency Medical Services (BCEMS) at dinala ang mga biktima sa Baguio General Hospital Medical Center para sa masusi pang obserbasyon at ngayon ay nasa stable condition na ang mga biktima. Rica Gil, UB Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon