BAGUIO CITY
Dahil sa pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga sa Cordillera, tatlong indibidwal na hinihinalang marijuana cultivator ang sumuko sa mga pulis sa Baguio City noong Setyembre 26. Sa ulat na isinumite kay PRO Cordillera Regional Director Brig.Gen. David Peredo,Jr., kinilala ang mga sumukong suspek na sina Jerry Rosendo Tagaplaan, 20; Emmong Martines Palinas, 55 at Elvis Matis Modes, 53.
Ayon sa ulat, nagsilbi ng warrant of arrest laban sa mga suspek ang pinagsanib na operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU), Regional Intelligence Unit-14, Provincial Intelligence Unit, at Baguio City Police Office matapos silang isuko ng kanilang legal counsel, ayon
kay Atty. Jose Mencio Molintas.
Ang mga suspek ay mayroong umiiral na Warrant of Arrest na inisyu noong Abril 12, 2023, ni Hon. Orville C. Palisoc, ang Presiding Judge ng First Judicial Region, Branch 25, Tagudin Ilocos Sur, dahil sa paglabag sa Section 16, Article II ng R.A. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Sila ay pinaghihinalaang nagtatanim ng marijuana sa loob ng Tri-Bounderies ng mga Lalawigan ng Benguet-La Union at Ilocos Sur.
TFP/ABN
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025