3 patay, 6 sugatan sa van na nahulog sa bangin; 12 iba pa sugatan sa magkakaibang aksidente sa CAR

Feb 5, 2018

LA TRINIDAD, BENGUET – Dalawang pasero ng van ang agad na namatay samantalang ang drayber ay nagtamo ng matinding sugat at kalauna’y namatay sa hospital nang ang minamanehong van ay nahulog sa 300-meterong lalim ng bangin sa Kilometer 57, Calasipan, Cattubo, Atok, Benguet bandang 1:30pm ng Enero 30, 2018.
Hindi na nakarating nang buhay sina Mateo Elector Loy-odan Ngade, 34, mekaniko, mula Tadian, Mt. Province, at Lourdes Payagda Balog-ang, 69, mula Purok 6, Irisan, Baguio City.
Ang drayber na si Rey Carias Batong, 38, mula Guinzadan Norte, Bauko, Mt. Province, ay namatay matapos ang dalawang oras sa Atok District Hospital.
Ayon sa pulisya, papuntang Baguio City ang Toyota Hi-ace van na may plakang AEN-382 na pag-aari ni Batong, kasama ang walong pasahero nang mahulog sa bangin ang van matapos nag-overtake sa isang Elf truck.
Ang mga sugatan ay sina Grade 1 pupil Jessy Keth Cambolo Panisigan, 6; Kyra Panisigan Batawang, 4; Glenda Panisigan Batawang, 41; lahat ay mula sa Lubas, La Trinidad, Benguet; Marilyn Pacio Tomayo, 41, mula Puliwes, Baguio City;  Apolonia Pacalso, 68, mula Bana-ao, Tadian, Mt. Province; at David Ingaan Caoili Jr., 59, mula Bana-ao, Tadian, Mt. Province.
Sina Pacalso at Caoili Jr. ay dinala sa Benguet General Hospital ng La Trinidad, Benguet samantalang sina Batawang, Cambolo Panisigan at Kyra Panisigan Batawang ay dinala naman sa Pines City Doctor’s Hospital, Baguio City.
Samantala, tinatayang 12 katao pa ang nagtamo ng magkakaibang pinsala sa katawan sa mga naitalang aksidente sa iba’t ibang bahagi ng Cordillera.
Nauna rito, bandang 8:30am ng parehong araw, ang lowland-bound na Toyota Commuter (UV Express) van na may plakang UVO 569 na minamaneho ni Mark Kenneth Tumpalan, 26, mula Tubao, La Union, ay biglang lumihis sa kanang bahagi ng kalsada hanggang bumaligtad pakaliwa sa Bawek, Taloy Sur, Tuba, Benguet.
Ang drayber ay naiulat na nakaramdam ng antok.
Ang van ay nagtamo ng matinding sira sa harapan at kaliwang bahagi samantalang ang walong pasahero kabilang ang drayber ay nagtamo ng minor injuries at lahat ay dinala sa Baguio General Hospital.
Isang itim na Honda CRV na may plakang ZLW 439 na minamaneho ng real estate agent na si Joseph Arjan Ulpindo Noveloso, 39, mula Bakakeng Norte, Baguio City ang sumalpok sa isang tricycle na may rutang Calot to Kamog, Sablan Benguet vice-versa na minamaneho ni Mark Dongsan Laoyan, 24, mula Kamog, Sablan, Benguet sa kahabaan ng Quirino Highway, Sitio Calot, Banangan, Sablan bandang 9:35am ng parehong araw.
Ayon sa mga imbestigador, ang tricycle ay nagmula sa provincial road ng Kamog, Sablan at habang papasok ng Quirino National Highway, ang Honda CRV na pababa ng La Union ay bumangga dito.
Nagtamo ang Honda CRV na sira sa front bumper samantalang ang tricycle ay nagtamo ng sira sa sprocket assembly at rear left shock absorber.
Ang drayber ng tricycle ay nagtamo ng sugat sa kaliwang paa habang ang pasahero nitong si Jane Donglal, 51, magsasaka, mula Kalipkip, Sablan, Benguet ay nagtamo ng sugat sa kaniyang ulo. Kapwa dinala ang biktima sa Benguet General Hospital.
Bago magtanghalian ng parehong araw, ang college instructor ng Benguet State University na si Jocelyn Cariño Perez, 59, mula BSU Compound, Cabanao, Balili, La Trinidad, Benguet at BSU Laboratory Staff Catherine Apaling Bagsan, 46, mula Tabangaoen, Balili, La Trinidad, ay nasagasaan ng SYN motorcycle na pag-aari at minamaneho ni Ronaldo Banayat Benito, 26, ng Lower Pinget, Baguio City, habang patawid sa national road fronting BSU 2nd gate, Km. 5, La Trinidad, Benguet.
Ang motorsiklo ay nagmula sa direksiyon ng Baguio City at papuntang norte nang mabunggo ang dalawang biktimang tumatawid.
Kinuha ng pulisya ang driver’s license ni Benito kahit na ang mga biktima nito ay nakalabas na ng hospital matapos mabigyan ng lunas ang mga natamong sugat.
Sa Mt. Province, bandang 10am na parehong araw, isang Isuzu Elf truck na may plakang BCM 766 na minamaneho ni Pedro Olaget, 38, ay nakabunggo ang isang Toyota Tamaraw FX AUV na may plakang UBZ 623 na minamaneho ng Protestant priest na si Loncio Dason Sapiil, 43, mula Besao, Mt. Province, sa kahabaan ng national road at Barangay Pingad, Sabangan, Mt. Province.
Si Olaget, ayon sa pulisya, kabilang ang pasahero nitong si Jordan Galgala Yogawen, 32, ay patungong Baguio City at nang magbrake ito subalit dumulas papuntang kabilang lane kung kaya’t natamaan ang Toyota Tamaraw FX AUV.
Ang parehong drayber ay walang natamong sugat subalit ang pasahero ng Tamaraw FX ay nagtamo ng sugat sa kaniyang bibig.
Ang Isuzu Elf truck bumper ay na-deform at ang harapang grills ay nasira kabilang ang kaliwang headlights samantalang ang hood ng Tamaraw FX ay nawasak, nasira din ang parehong fenders at ang kaliwang salamin ay nabasag. ACE ALEGRE / ABN

RELATED POSTS

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd...

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest