Mga turistang Chinese, inaasahang dadagsa sa Pilipinas

LUNGSOD NG BAGUIO – Inaasahan ang pagdagsa ng mga turistang Chinese sa hinaharap, paglilinaw ng Malacanang sa pagtaas ng tourist arrivals, lalo na ang mga bisitang Chinese, sa bansa ngayong taon.
Ayon kay Presidential spokesman Herminio Roque na ang bagong ruta na direkta mula Xiamen papuntang Puerto Princesa ay nagbukas kamakailan upang mabigyan ng pagkakataong mapuntahan ng mga Chinese tourists ang iba’t ibang tourist destinations sa bansa.
Idinaos ni Roque ang kaniyang unang out-of-Malacanang press briefing sa lungsod noong Enero 1, 2018 matapos ang kaniyang talumpati sa ginanap na opening ng 23rd edition ng Baguio Flower Festival sa Baguio Athletic Bowl.
“We have the best beaches like Palawan, Boracay, for them to enjoy,” hayag ni Roque.
Ang bagong ruta mula Tianjin, China papuntang Puerto Princesa, Palawan ay isusunod, dagdag ni Roque.
Ipinahiwatig ni Roque na sa pagbubukas ng mga ruta, inaasahang dadagsa ang tinatayang 5 milyong Chinese tourists.
“We really need to tap tourism and we need China to hike our tourism,” dagdag ni Roque habang nagbibigay ng kalidad sa maayos na relasyong bilateral sa China na nagsasagawa ng mga pamumuhunan sa bansa “while maintaining our sovereignty,” giit nito. A. ALEGRE / ABN

Amianan Balita Ngayon