3 pulis at 1 sekyu, pinarangalan ng city government

Sa ginanap na flag raising sa city hall ay nabigyan ng parangal ang ilang pulis dahil sa ipinamalas na kabutihang loob at dedikasyon sa kanilang trabaho.
Ang mga parangal ay iprinisinta nina Mayor Mauricio Domogan, Vice Mayor Bilog at mga konsehal ng ng lunsod noong Marso 13, 2017.
Ang mga pinarangalan ay sina Police Officer 3 (PO3) Patrick Lamog at PO2 Mario Verbo na nakatanggap ng Certificate of Commendation sa pagkakahuli sa mandurukot; si Raul Frigillana, isang security guard ng Teachers Camp, na nakatanggap ng Certificate of Commendation dahil sa ipinakitang katapatan sa pagsasauli sa naiwang pitaka ng isang residente; at PO2 Ben Paiz, enforcer ng Traffic Management Office, na tumanggap ng Certificate of Commendation sa pagtulong sa differently abled person upang makatawid sa kalsada.
Ito ay patunay na may mga tao pang nagtataglay ng kabutihan, katapatan at dedikasyon sa kanilang mga serbisyo sa publiko.
Lubos naman na nagpapasalamat ang alkalde sa mga pinarangalang pulis kabilang na ang security guard ng Teachers Camp na nagpamalas ng kanyang katapatan. Hiniling ng alkalde na sana ipagpatuloy ng mga ito ang katapatan, na hindi lang namimili ayon sa tribo, kundi para sa kabuuan ng siyudad.
“We are proud of you and continue the good work,” ani Domogan. Liezel Eunice Callejo, UC Intern / ABN

Amianan Balita Ngayon