30 COPS SINANAY SA SEARCH AND RESCUE TRAINING SA CORDILLERA

LA TRINIDAD, Benguet

Tinapos ng kabuuang 30 pulis mula sa Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB 15) ng Police Regional Office-Cordillera ang 3-araw na pagsasanay sa Search and Rescue (SAR) na ginanap sa
MO Ignacio, Miles Hill, sa La Trinidad, Benguet, noong Mayo 25. Ang pagsasanay ay pinasimulan ni Lt.Col.Ruel Tagel, acting Force Commander ng RMFB25, sa pakikipagtulungan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa pangunguna ni Victor Sayapen, Jr., LT-BFP, Fire Marshall.

Sinabi ni Tagel na ang mga pulis ay sumasailalim sa pagsasanay upang mapahusay ang kanilang mga teknikal na kasanayan, tulad ng first aid, navigation, rope climbing,survival skills, at kaalaman sa pagsasagawa ng paghahanap, paghahatid ng mga supply at survival equipment, at pagsagip sa mga survivors, at iba pa. Binigyang-diin niya na ang pagsasanay at pagpapaunlad ng mga kasanayan ay may mahalagang papel sa pagganap ng mga tungkulin at responsibilidad bilang mga
lingkod-bayan, gaya ng ipinahihiwatig ng DKP 3-Fold Agenda ng PROCOR Regional
Directors na nangangahulugang “Disiplina at Dasal, Kakayahan at Kaunlaran, Pagmamahal at
Pagtupad sa Tungkulin”.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon