30 NA DEEPWELL KAKAILANGANIN NG BAGUIO UPANG LABANAN ANG EL NIÑO

BAGUIO CITY

Ipinahayag ng tanggapan ng Baguio Water District (BWD) na kakailanganin ng lunsod na maghukay pa ng dagdag na 30 na deep well upang masulusyunan ang napipintong tagtuyot o ang El Nino na maaring maranasan ng lunsod ng Baguio sa mga darating na buwan. Ayon kay Engineer Salvador Royeca, manager ng BWD na kung magkakaroon pa ng 30 na deep well tinatayang mag-aabot sa 140 gallon per minute ang ibubuga ng bawat deep well na kung saan ay madagdagdagan ang naturang 68 na deep well na maaring magkaroon ng 90 porsiyento na production ng tubig sa bawat tahanan.

At aabot ng 10,000 cubic meter per day ang maidadagdag sa existing na supply ng tubig sa buong Baguio, ani Royeca. Idinagdag pa ni Royeca na “The deep well drilling project, amounting to about PHP6 million to PHP10 million a unit, is an El Niño mitigating measure of the BWD that will also address the increasing demand for potable water in households and commercial establishments”. Ang naturang proyekto ay kasalukuyang pinupunduhan ng Development Bank of the Philippines bilang loan mula sa bangko . “To date, the water concessionaire sources its
supply partly from four springs and the two catchment basins namely the Busol watershed and the catchment reservoir at Mount Santo Tomas”, ani Royeca.

(Liza Agoot/PNA)

Amianan Balita Ngayon