BAGUIO CITY
Ang ating mga alagang hayop ay itinuturing nang bahagi ng ating pamilya, ngunit alam ba ninyo na kapag hindi sila nabakunahan, maaari silang maging banta sa ating kalusugan. Ayon sa Department of Health (DOH), mahigit 300 Pilipino ang namamatay taon-taon dahil sa rabies—isang sakit na 100% na nakamamatay kapag lumabas na ang mga sintomas. Sa Baguio City, patuloy ang libreng pagbabakuna
kontra rabies para sa mga alagang hayop. Mula 2019 hanggang sa kasalukuyan, nananatiling zero ang naitalang kaso ng rabies sa lungsod.
Sa Baguio City, tatlong ABTCs ang maaaring puntahan: ang Health Service Office, Baguio General Hospital Medical Center, at Saint Louis
University – Sacred Heart Hospital. Sa buong rehiyon ng Cordillera, mayroong 17 Animal Bite Treatment Centers (ABTCs) na nagbibigay ng agarang lunas sa mga nakagat ng hayop. Patuloy ang paalala ng DOH-CAR sa publiko na pabakunahan ang kanilang mga alaga upang maiwasan ang pagkalat ng rabies.
Noong nakaraang taon, pumalo sa mahigit 300 ang naitalang kaso ng rabies sa bansa, mas mataas kumpara sa 287 na kaso noong 2023.
Karamihan sa mga biktima ay mga bata na nakagat ng hindi nabakunahang aso. Sa bisa ng Executive Order No. 84, Series of 1999 na
nilagdaan ni dating Pangulong Joseph Estrada, ipinagdiriwang tuwing Marso ang Rabies Awareness Month at layunin nitong mapuksa ang rabies sa pamamagitan ng mass vaccination ng mga alagang hayop, pagpapalaganap ng kaalaman, at pagbibigay ng libreng bakuna sa mga nakagat ng hayop.
Ayon sa World Health Organization, may mga kaso ng rabies na hindi agad nagpapakita ng sintomas. Ang incubation period ng virus ay
maaaring tumagal ng 20 hanggang 90 araw, at sa ilang pagkakataon, umaabot pa ng anim na buwan bago lumabas ang sakit. Dahil dito, hindi dapat ipagsawalang-bahala ang kahit maliit na kagat o galos mula sa hayop.
Jude Mark Biccay/UB-Intern
March 22, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025