CAMP DANGWA, Benguet
Sa patuloy na pagpapaigting sa kampanya laban sa ilegal na droga, ang pulisya ay nakasamsam ng mahigit P30 milyong halaga ng iligal na
droga, samantalang 11 drug personalities ang naaresto sa loob ng isang linggong operasyon na isinagawa sa buong rehiyon mula Marso 10
hanggang 16. Batay sa mga ulat ng Regional Operations Division ng PRO CAR, umabot sa 42 na operasyon ang isinagawa, na humantong sa pagkumpiska ng 129,720 fully grown na halaman ng marijuana, 150 marijuana seedlings, 30,016.13 gramo ng tuyong dahon ng marijuana at fruiting tops, 5,000.00 gramo ng pinatuyong marijuana na may 3 at 2 gramo ng shabu, na may kabuuang Standard Drug Price na P30,345,953.20.
Bukod pa rito, ang mga operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto sa 11 drug personalities, tatlo sa mga ito ay kilala bilang High Value
Individuals (HVI), habang walo ang kinilala bilang Street Level Individuals (SLI). Ang pinakamahalagang operasyon ay naganap sa
Benguet, kung saan ang Benguet Police Provincial Office (PPO) ay nagsagawa ng marijuana na may kabuuang SDP na P19,450,000.00, at ang Kalinga PPO ang nakasamsam g=ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P9,716,000.00 at nahuli ang dalawang SLI. Samantala, sa Mountain Province, P1,054,400.00 halaga ng iligal na droga ang nasamsam at isang SLI ang naaresto ng Mountain Province PPO, at sa Baguio City, dalawang HVI at tatlong SLI ang nahuli, na humantong sa pagkumpiska ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng
P103,575.60 at gayundin sa Ifugao na nakumpiska ng P21,284.00 halaga ng iligal na droga at isang SLI ang naaresto, habang sa Apayao, nakumpiska ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P693.60 at nahuli ang isang HVI at isang SLI.
ZC/ABN
March 22, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025