RIZAL, Kalinga – Tatlungpu’t dalawang katao ang hindi nakapalag nang dakmain ng pulisya matapos salakayin ang
iligal na pagsusugal ng sabong ,noong Agosto 2 sa Barangay Babalag East, Rizal, Kalinga. Magkakasanib na tauhan
ng Kalinga Provincial Police ang sumalakay sa isang tupada dakong alas 3:30 ng hapon,matapos makatanggap
ng reklamo mula sa concerned citizen. Ayon sa Rizal Municipal Police Station, ang mga nadakip ay pawang residente sa karatiglalawigan ng Cagayan, na dumayo para sa iligal na sabong. Narekober at nakuha sa mga suspek ang taya ng pera at mga gamit sa sabong na walang permit to operate.
Dinala sa Rizal MPS ang mga naaresto kasama ang mga nakumpiskang ebidensya para sa tamang dokumentasyon at
inquest proceeding. “Ito ay dapat magsilbing babala sa mga nakikibahagi sa mga naturang aktibidad. Hinihikayat namin ang mga mamamayan na mag-ulat ng mga ilegal na aktibidad sa kanilang lugar sa pamamagitan ng aming police hotlines o social media”, ayon sa pahayag ni Col. Peter Tagtag,Jr., provincial director.
Zaldy Comanda/ABN