34 KATAO SUGATAN NG BUMANGGA ANG JEEP SA GILID NG BUNDOK

BONTOC, Mountain Province

Malubhang nasugatan ang 34 katao na sakay ng isang pampasaherong jeep ng bumangga ito sa gilid ng bundok ng iwasan nito ang isang sasakyan na kasalubong na kung saan ito ay tumagilid matapos bumanga sa nasabing bundok sa kahabaan ng Maligcong-Bontoc Road noong Pebrero 5 ,2024. Ayon sa ulat ni Bontoc Mayor Jerome “Chagsen”
Tudlong Jr nakatanggap siya diumano ng tawag dakong 8:30 A.M., hinggil sa isang aksidente na kung saan isang
jeep umano ang bumangga sa isang bundok na kung saan ay may 34 na katao ang lu7bhang nasugatan.

Nakilala ang jeepney drayber na si David Focasan Jr residente ng Natangay Maligcong sa bayang ito. Agad naman na nagpdala ng tulong si Mayor Tudlong sa pangunguna ni Johanna Padaen ng Bontoc Municipal Disaster Risk Reduction and Management na agad namang nakipag ugnayan sa tanggapan ng Bontoc Emergency Response Team.
Nilapatan din umano ng agarang lunas ang ilang pasyente sa mismong pinangyarihan ng aksidente bago nila dinala ang mga ito sa Bontoc General Hospital upanh dito na sila lapatan ng kaugnay na lunas.

Ayon kay Clayton Cawed, isa sa mga pasahero ng jeep na patungo sa bayan ng Bontoc galing sa Maligcong na naganap umano ang aksidente habang mabilis na umaarangkada ang jeep sa dakong Am-anani Bontoc Ili na kung saan ay nawalan ito ng giya dahil sa sobtang bilis at iniwasan nito na mahulog sa bangin kung kayat ibinangga na
lamng ng drayber ang jeep sa gilid ng bundok upang maiwasan nito ang mahulog sa bangin na maaaring magdulot
ng pinsala sa mga pasahero. Sa ngayon ay may anim na pasyente na lamang ang na admit sa BGH at ang 28 ay
nakalabas na rin .

Ayon kay Mayor Tudlong ang mga nagresponde sa aksidente ay ang Bontoc MDRRMO personnel ang mga empleyado ng Municipal Health Office, Bontoc Emergency Response Team, Bontoc Fire Station, Bontoc Municipal Police Station, Mountain Province DRRMO, at ilang residente ng nasabing barangay. Nagsagawa rin ng ritwal o”cleasing” ang mga nagsagawa ng responde na pinangunahan ng isang Elder na si dating IPMR Luis Fakat at ang kasalukuyang head ng IPMR na si David Coycoyen sa Musipyo ng Ato ito ay isinagawa upang ang mga masasamang ispiritu ay ma appease at hindi na maulit ang nasabing aksidente. Nagpaalala naman ang Bontoc MDRRMC sa lahat ng biyahero na mag-ingat sa pagmamaneho dahil dala nila ang ibang buhay sa kanilang sasakyan.

Christy Mae Chees – Pangesfan 

LGU WORKSHOP

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon