20 wanted person arestado sa Cordillera
LA TRINIDAD Benguet
Nasakote ng mga pulis ng Cordillera ang 20 wanted person habang 58 munisipalidad ang naitalang zero crime incident, sa isinagawang anti-criminality operations mula Enero 28 hanggang Pebrero 3. Batay sa tala ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), naitala ng Baguio City Police Office ang pinakamataas na bilang ng mga naaresto na may walong wanted person, sinundan ng Benguet Police Provincial Office na may limang naaresto, Kalinga PPO na may tatlong naaresto at Abra PPO, Apayao PPO, Ifugao PPO at Mountain Province PPO na may tig-iisang arestuhin.
Sa 20 wanted persons na naaresto, dalawa ang nakalista bilang Most Wanted Person: isa sa Provincial Level at isa sa
Station Level. Samantala, bilang resulta ng pinaigting na presensya ng pulisya, 58 munisipalidad sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon at tatlong istasyon ng pulisya sa Baguio City ay nananatiling mapayapa, dahil naitala ng PRO Cordillera ang zero crime incident sa mga lugar na ito sa parehong linggo.
Zero crime incidents ang naitala sa 23 sa 27 munisipalidad sa Abra; walo sa 13 munisipalidad sa Benguet; apat sa pitong munisipalidad sa Kalinga; siyam sa 11 munisipalidad sa Ifugao; siyam sa 10 munisipalidad sa Mountain Province; at lima sa pitong munisipalidad sa Apayao. Sa Baguio City, Naguilian Police Station, Aurora Hill Police Station, at Irisan Police Station, wala ring naitala na insidente ng krimen sa 10 police stations sa lungsod.
Zaldy Comanda/ABN
P28.4-M marijuana, shabu narekober sa Kalinga
TABUK CITY, Kalinga
Narekober ng mga alertong pulis ang kabuuang 233.75 gramo ng pinatuyong marijuana at 6 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P28.4 milyon mula sa isang abandonadong sasakyan sa Mosimos, Dupag, Tabuk City, Kalinga noong Pebrero 06. Ayon kay Col. Freddie Lazona, provincial director ng Kalinga Provincial Police Office, ang mga tauhan ng Tabuk City Police Office at Special Operation Unit-14, kasama ang 141 SAC 14 SAB PNP-SAF, 2nd KPMFC, PIU/PDEU, RID, PIT Kalinga , 1503rd MC, RMFB 15, Tinglayan MPS, at PDEA Kalinga ay tumugon sa iniulat na impormasyon na may isang silver/green na Pajero na may plate number na UST 711 ang nagdadala ng marijuana mula Tinglayan patungong Tabuk City na nagresulta sa pagkakadiskubre ng marijuana at shabu.
Sinabi ni Lazona, 205 piraso ng marijuana bricks na tumitimbang ng 205 kilo at 45 tubulars na tumitimbang ng 22.5
kilo ng tuyong dahon ng marijuana; 25 piraso ng vacuum sealed dried marijuana leaves at fruiting tops na tumitimbang ng 6.25 kilo at 6 gramo ng white crystalline substance na hinihinalang shabu. Tinatayang 233.75 kilo ang bigat ng mga nakuhang marijuana na nagkakahalaga ng P28,050,000.00, at 6 gramo ng shabu na may Standard Drug Price (SDP) na P40,800.00. Ang iba pang narekober ay isang unit na silver/green Pajero na may plate number na UST 711 na walang ignition key; isang itim na bag pack; at dalawang piraso ng plate number ng sasakyan JZS 649.
Ang onsite na imbentaryo at pagmamarka ng mga piraso ng ebidensya ay isinagawa sa presensya ng DOJ at Media
representatives, at Barangay Chairman at isang Barangay Kagawad ng Dupag, Tabuk City Kalinga. Sinabi ni Lazona na “Patuloy na nagsasagawa ng pro-active operations ang Kalinga PPO sa pakikipagtulungan ng publiko para palakasin ang pagsisikap nitong maalis ang lahat ng uri ng iligal na droga upang makamit ang ating hangarin para sa drug free province.” “Ang mga operatiba ay nagsasagawa ng follow up na imbestigasyon at operasyon laban sa driver ng ginamit na sasakyan,” dagdag niya.
Zaldy Comanda/ABN
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024