36 WANTED PERSON NALAMBAT SA CORDILLERA

CAMP DANGWA, Benguet

Sa pinaigting na pagpapatupad ng anti-criminality strategies at law enforcement campaign ng
Police Regional OfficeCordillera ay nagresulta sa pagkakaaresto sa 36 na indibidwal na wanted ng batas, habang 64 na munisipalidad sa rehiyon ang nagtala ng zero crime incident mula Disyembre
10 hanggang 16.

Batay sa talaan mula sa Regional Investigation and Detective Management Division ng PRO Cordillera, ang Benguet Police Provincial Office ang nagtala ng pinakamataas na bilang na 11 wanted person na nadakip, na sinundan ng Baguio City Police Office na may 10 naaresto; Ifugao PPO na may limang arestado; Kalinga PPO na may apat na arestado; Mountain Province PPO na may tatlong arestado; Abra PPO at Apayao PPO na may tig-isang arestado.

Sa mga naarestong personalidad, limang indibidwal ang kinilala bilang Most Wanted Persons
(MWP), kung saan apat sa mga ito ay nakalista sa Provincial Level, at isa sa Municipal Level.
Sa parehong linggo, 64 na munisipalidad sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon at limang istasyon
ng pulisya sa Baguio City ang nagtala ng zero crime incidents.

Zero crime incidents ang naitala sa 23 munisipalidad sa Abra; 11 munisipalidad sa Benguet; 10 munisipalidad sa Mountain Province; siyam na munisipalidad sa Ifugao; pitong munisipalidad sa Apayao; apat na munisipalidad sa Kalinga; at limang police stations ng Baguio CPO. Ang PRO Cordillera ay patuloy na nagsasagawa ng pinaigting na police operations, police visibility, at community engagement upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad at ang kaligtasan ng publiko, lalo na bilang paghahanda sa pagdiriwang ng kapaskuhan.

ZC/ABN

Amianan Balita Ngayon