36TH NATIONAL DISASTER RESILIENCE MONTH

BAGUIO CITY

Hinikayat ng mga health authorities ang bawat Pilipino sa pagtulong tulong sa paghahanda sa panahon ng sakuna ngayong ipinagdiriwang ang Disaster Resilience Month, na may temang ‘Bantayog ng Katatagan at ang Pagbubuklod sa Layuning Kahandaan’. Sa ginanap na Kapihan sa Bagong Pilipinas, noong Hulyo 2, ibinahagi ni Dr. Mae Kemeny
Manogan, ng Health Emergency Management Section ang ilang disaster na naranasan sa rehiyon tulad ng bagyo, forest fire at iba pang sakuna. Pinaalalahan niya ang publiko na dapat maging handa at alam kung ano ang dapat gawin sa tuwing may sakuna, “What we need to focus now is disaster preparedness.

Kailangan hindi tayo nagpapanic so that make wise decisions when this occur,” sabi ni Dr. Manogan. Isa sa binahagi niya ang pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management in Health, para ma-improve pa ang kahandaan ng mga tao sa panahon ng sakuna at mabawasan ang masamang epekto nito sa kalusugan. Ibinahagi rin niya ang pagkakaroon ng 30 accomplished trainings ng Basic Life Support sa 1,602 na mga indibidwal at 14 accomplished training ng Standard first aid na dinaluhan ng 572 na indibidwal, at iba pang programa tulad ng Health Emergency Response Operation Training, Mass Casualty Incident Training, Hospitals safe from Disasters at Sub-National Public Health Emergency Management in the Philippines.

Bukod dito mino-monitor din ng kagawaran ang iba’t-ibang disaster risk reduction in health system ang mga 66 na munisipalidad at probinsya, ganoon na din ang collaborative engagements at iba pang trainings outside DOH. Isa rin dito ang proyekto na family preparedness tulad ng Go Bag na naglalaman ng mga essentials sa panahon ng sakuna at first aid kits. Dagdag pa niya na ang pagsasagawa ng Resilience Month ay hindi lamang para sa mga health care worker, National line agencies kasama na rin ang mga general public at walang isang makakapagsabi na handa ang
ahensya panahon ng sakuna.

Ma. Christina C. Pendre/UC-Intern

Amianan Balita Ngayon