LUNGSOD NG BAGUIO – May kabuuang 37 sa 267 mga istruktura na nakitang lumabag sa road-rightof- way sa kahabaan ng Marcos Highway na sakop ng lungsod ang giniba noong nakaraang Huwebes.
Sinabi ni Department of Interior and Local Government- Baguio City director Evelyn Trinidad, na ang demolisyon ay bahagi ng road clearing operations sa Marcos Highway. “Baka akala nila sabi lang natin, but this is a signal already, that they will know the government is serious,” aniya.
“Tuluy-tuloy na ito (this will go on),” sinabi ni Trinidad na tinukoy ang ibang kalsada gaya ng Naguilian Road at Kennon Road.
Sinabi ni Trinidad na natagalan ang pamahalaang lungsod na umpisahan ang demolisyon sa national highway dahil kailangang sumunod sila sa proseso.
“Kailangan kasing sundin ang process of demolition, mag-i- issue si DPWH ng three notices, seven days apart total 21 days before it will issue a demolition order. Kailangan din may pre-demolition conference, which happened on Wednesday,” ani Trinidad.
Sa isinagawang predemolition conference ng mga naisyuhan ng demolition order, sa kaso ng 37 istruktura, ay sinabihan ng mga implementing officer ang mga may-ari na magkusang gibain ang kanilang istruktura.
“We were expecting that they will do self-demolition of their structures but it looks like they did not, but we will implement even if they refuse because they have been properly informed,” aniya.
Noong nakaraang Miyerkoles ay iniutos ni Mayor Benjamin Magalong na bilisan ang assessment ng mga istruktura na dapat maisyuhan ng demolition order dahil sa paglabag sa 30 metro road-rightof- way sa national highway.
Sa kaniyang State-of the-Nation Address noong Hulyo ay iniutos ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang pagbawi sa mga pampublikong kalsada para sa pribadong gamit.
PNA/PMCJr.-ABN
September 22, 2019
September 22, 2019
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025