37 sugatan sa natumbang mini-bus sa Mt. Province

Halos 37 ang sugatan, lima ang dinala sa Bontoc General Hospital dahil sa malubhang sugat, matapos matumba sa kalsada sa kahabaan ng provincial road sa Sitio Mauwuy, Barangay Chupac sa Barlig, Mt. Province, 9:59am ng Oktubre 2, 2018.
Ayon sa Cordillera police, ang Natonin-Barlig mini-bus na may plakang AYS 409 ay nagkaroon ng mechanical problem at bumulusok pababa kaya nawalan ng kontrol ang drayber ng sasakyan at natumba ang bus.
Karamihan ng mga pasahero, maliban sa limang malubhang nasugatan, ay dinala sa Barlig District Hospital.
Kinikilala pa ng mga otoridad ang mga biktima ng sakuna sa kalsada. A.ALEGRE

Amianan Balita Ngayon