3RD BIYAG FESTIVAL ISASAGAWA NGAYONG ABRIL

LALAWIGAN NG BENGUET

Panibagong mga activities, workshop tulad ng E-Sports, Vlog Creative Media Workshop, Drums/ Percussion, Workshop, Photography Training, Hip-hop Competition, at IP Games ang handog ng BIYAG Festival sa
kanilang ikatlong taon sa ngayong Abril. Matatandaan, ang libreng mga workshop ay sinimulan ng Benguet Indigenous Youth Arts Guild noong taong 2022, upang makilala ang kakayahan at talento ng mga kabataan, hindi
lamang para sa kanilang sarili, kundi pati na rin para sa pambansang pag-unlad.

“[We aim] to recognize their capacity to contribute to nation building.” ito ang layunin ng organisasyong BIYAG sa
paglulunsad nila ng kanilang festival. We want to empower, capacitate, and provide an opportunity and venue for them to showcase their talents,” ayon kay Silver Pilo. Sa tulong ng Sangguniang Panlalawigan, ito ay naipasa bilang isang Ordinansa ng Benguet at gaganapin sa huling linggo ng Abril taon-taon na mayroong P1.3 milyong budget
upang magamit para sa mga aktibidad ng BIYAG Festival.

Writing Workshop, Battle of the Bands, Fashion Show, Debate Competition, at Art Exhibit ay ilan lamang sa mga
gaganaping aktibidad para sa festival. Imbitado din ang mga kabataang business owners na makilahok sa isang linggong MSME Business Exhibit na gaganapin sa Benguet Provincial Capitol Lobby. Naghahanda na rin ng Iyaman
Awards para sa mga kabataang Influencers and komite ng BIYAG Festival. Ang mga nominado ay ilalahad sa kanilang opisyal na Facebook Page, na kung saan maaaring bumoto ang mga tao sa pamamagitan ng pag-react sa
kanilang post.

Maaaring makilahok ang edad 35 pababa sa mga workshop, dahil Ito ang international standard. Magsasagawa ng isang Cultural Youth Summit ang organisasyon para sa mga kabataan ng Benguet, ito ay para mapag usapan ang pagsubok at mapalawig pa ang kaalaman sa sining at kultura ng probinsya. Ang mga ito ay gaganapin sa lugar na “relaxing” na magaganap sa demo farm sa Sablan at Kapangan. Karamihan naman ay gaganapin sa Benguet Sports
Complex at ang seremonya para sa pagbubukas ng BIYAG Festival at ang pagbibigay parangal ay magaganap sa Ben Palispis Hall. Inaanyayahan naman ng organisasyong BIYAG ang mga kabataan na lumahok naturang festival upang matuto sa ibat ibang larangan ng sining na konektado sa kultura ng Benguet.

Charisse Kate C. Ricardo/UBIntern

Amianan Balita Ngayon