DRAYBER HULI SA SHABU, MARIJUANA SA KALINGA

TABUK CITY, Kalinga

Walang kawala ang isang High Value Individual na drug pusher nang mahuihan ng shabu na nagkakahalagang P668,000 sa isinagawang search operation ng pulisya sa bahay nito sa sa Sitio Pakkitan, Barangay Lucog, Tabuk City, Kalinga, noong Abril 2. Ayon kay PRO Cordillera Regional Director, Brig.Gen.David Peredo,Jr, ang naarestong suspek ay isang 42-anyos na lalaking driver na nakalista bilang High Value Individual. Nadakip ang suspek matapos magpatupad ng search warrant ang pinagsanib na operatiba ng Kalinga Police Provincial Office, Regional Police Drug Enforcement Unit, PNP Drug Enforcement Group, Regional Intelligence Unit-14, at Regional Mobile Force Battalion 15 sa bahay nito.

Nakuha sa suspek ang 10 gramo ng shabu na may Standard Drug Price na P68,000.00 at 5,000 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may SDP na P600,000.00; at samu’t saring drug paraphernalia. Ang pagmamarka at imbentaryo ng mga nakuhang ebidensya ay ginawa on-site sa presensya ng mga suspek at sinaksihan ng kinatawan ng media; DOJ Marriane B Dumpao at Locog Barangay Captain Nicanor Edas.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon