E-SPORT ITINAMPOK SA BIYAG SPORT TOURNEY

LA TRINIDAD, Benguet

Nasungkit ny ZR Insanity ang pagkapanalo sa kaunaunahang E-sport ng Benguet Indigenous Arts Guild o BIYAG
E-Sport Tournament Finals sa Gov. Ben Palispis Auditorium noong Abril 20. Ipinamalas ng mga koponan ang kanilang kahusayan sa larong E-Sport, na tinanghal na kampeon sa matinding laban. Ang walong koponan na
lumahok sa laban ay kinabibilangan ng Pinsanity Irisan Esports, ZR Insanity, Exodus ES, Nexus, Pinsanity 2.0,
Exiles, ChatGPT, at Smirks Esports.

Sa huli, nagtagumpay ang ZR Insanity bilang kampeon, samantalang ang ChatGPT ay nakamit ang titulo bilang unang runner-up, ang Nexus naman ay naging ikalawang runner-up, at ang Pinsanity ang itinanghal na ikatlong runner-up. Ayon kay Aaron Marc Calya-en ng Little Good Deeds, layunin ng torneo na ipakita sa mga tao ang positibong aspeto ng E-Sport. Binigyang-diin niya na ang mga manlalaro ay mga mag-aaral na may magandang reputasyon at aktibong bahagi ng kanilang paaralan.

Sa pamamagitan ng E-Sport, nais ng grupo na magbigay ng pagkakataon sa mga kabataan na magpakita ng kanilang galing at talento. Mahigpit na ipinatutupad ng mga organizer ang patakaran laban sa “trash talks” at iba pang hindi kanais-nais na asal sa loob ng torneo, na naglalayong itaguyod ang disiplina at respeto sa larangan ng E-Sport.

Judel Vincent Tomelden/UB-Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon