LA TRINIDAD, Benguet
Nasa P385,956.00 halaga ng iligal na droga ang nasamsam mula sa apat na drug personalities na naaresto sa isang linggong operasyon na isinagawa ng Police Regional Office-Cordillera mula Hulyo 9- 15. Sa talaan ng Regional Operations Division, arestado ang apat na drug personalities matapos makuhanan ng kabuuang 3.0 gramo ng dried Marijuana Leaves at Fruiting Tops at 56.70 gramo ng shabu, na may kabuuang Standard Drug Price na P385,956.00 Inaresto ng mga operatiba ng Baguio City Police Office ang dalawang suspek na kinilalang sina Jomarck Galano, 21 at Jonada Disoma, 19, kapwa nakalista bilang Street Level Individuals (SLI).
Dalawa pang high-value drug personalities na kinilalang sina Rasmia Ebra, 29 at Adonis Abad, 35 anyos, arestado ng mga operatiba ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU). Lahat ng mga naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa kanikanilang arresting units, habang ang mga kasong paglabag sa R.A. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang inihahanda laban sa kanila.
Zaldy Comanda/ABN
July 23, 2023