BAGUIO CITY
Pitong driver at konduktor ang nagpositibo sa isinagawang surprise drug test ng Philippine Drug Enforcement
Agency-Cordillera sa mga bus terminals sa Baguio City noong Enero 2. Ang activity ay bahagi ng Oplan Ligtas Biyahe Pasko 2024 na pinangunahan ng Land Transportation Office (LTO) at PDEA, para siguraduhin ang kaligtasan ng mga biyahero. Ayon kay Atty. Joshua Pablito, Regional Director ng Land Transportation Office (LTO)-Cordillera, isasailalim ang mga nagpositibo sa confirmatory testing upang matiyak kung talagang gumagamit sila ng iligal na droga.
Sa kabuuan, 98 na driver at 8 na konduktor mula sa apat na bus terminal, kabilang ang Governor Pack Road terminal, ang sumailalim sa naturang drug test. Ayon kay Pablito ang mga bus operator ng mga nagpositibo ay mabibigyan ng show cause order, habang ang mga driver at konduktor ay sasailalim sa kaukulang administratibong parusa kung mapapatunayang positibo sila sa iligal na droga. Aniya, layunin ng surprise drug test na masiguro ang
kaligtasan ng publiko, lalo na’t karamihan ay bumabalik mula sa kanilang bakasyon. Tatlong hakbang ang
isinagawa sa drug test kabilang dito ang pagpirma sa consent form, pagkolekta ng ihi, at pagsulat sa registration sheet.
ZC/JC/ABN
January 11, 2025
January 11, 2025
January 11, 2025
January 11, 2025
January 11, 2025