4 katao, arestado sa Baguio

LUNGSOD NG BAGUIO – Arestado ang apat na katao sa magkakahiwalay na insidente ng Oktubre 11, 2018 sa lungsod ng Baguio.
Arestado si Alfredo Dawawa Pagtoc, 58, at residente ng Asin Road, lungsod na ito, bandang 10:50am ng nasabing araw, ng pinagsamang operatiba ng PS4, PS3, at PS6 ng BCPO sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Amado S. Caguioa ng RTC Branch 4, Baguio City sa ilalim ng CC No. 16147-R dahil sa krimeng Frustrated Homicide at walang inirekomendang piyansa. Dinala si Pagtoc sa PS4, BCPO para sa dokumentasyon at tamang disposisyon bago ilipat sa issuing court.
Samantala, arestado rin si Jerson Mariano Remegio, 21, carwash boy at residente ng Payacpac, San Pascual, Tuba,
Benguet bandang 2pm ng parehong araw sa kahabaan ng Abanao Street, Baguio City ng pinagsamang operatiba ng CIU, PS7, BCPO at RHPU Cordillera, sa bisa ng dalawang warrant of arrests na ibinaba ni Judge Emmanuel Cacho Rasing ng RTC Branch 3, Baguio City sa ilalim ng Criminal Case Nos. 41872-R at 41871-R sa krimeng carnapping at piyansang P60,000 bawat isa. Dinala si Remegio sa CIU, BCPO para sa dokumentasyon at tamang disposisyon bago ilipat sa issuing court.
Bandang 3:50pm ng parehong araw, arestado rin si Daniel Vinluan Mariano, 29, customer service representative at residente ng Purok 25, San Carlos Heights, Baguio City ng pinagsamang operatiba ng PS5, BCPO at CIDG-Baguio sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Maria Clarita Casuga Tabin ng MTCC Branch 4, Baguio City sa ilalim ng CC No. 138777 para sa krimeng estafa na may piyansang P36,000. Dinala si Mariano sa PS5, BCPO para sa dokumentasyon at tamang disposisyon bago ilipat sa issuing court.
Arestado rin si Alfred Daileg De Guzman, 30, self-employed at residente ng Victoria Village, Baguio City ng pinagsamang operatiba ng PS1, PS9, PS4 at WCPD, BCPO sa bisa ng bench warrant of arrest na ibinaba ni Judge Ivan Kim B. Morales ng RTC Branch 59, Baguio City sa ilalim ng CC No. 36291-R dahil sa paglabag sa RA 7610 na may piyansang P80,000. Dinala si De Guzman sa PS1, BCPO para sa dokumentasyon at tamang disposisyon bago ilipat sa issuing court.

Amianan Balita Ngayon