4 na babae, arestado sa estafa

Arestado ang apat na babae sa kasong estafa sa magkakahiwalay na operasyon noong Oktubre 16, 2018.
Inaresto si Joah Hilario Maynes a.k.a. Jackeline Miray, 41 anyos, barangay kagawad at residente ng Central Ambiong, La Trinidad, Benguet, bandang 1:30pm ng nasabing araw sa Ambiong, La Trinidad, Benguet ng pinagsamang tauhan ng PS6-BCPO at CIDMU.
Ang pag-aresto ay ginawa sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Victor A. Dalanao ng Municipal Trial Court in Cities, Tabuk City, Kalinga sa kasong estafa sa ilalim ng Criminal Case Numbers 5302 at 5303 na may piyansang P6,000 bawat isa.
Ang suspek ay dinala sa PS6-BCPO para sa dokumentasyon at nagpiyansa sa opisina ng Executive Judge, Regional Trial Court, Baguio City.
Samantala, arestado rin si Rosalina Bueno Daluyon a.k.a. Gemma De Guzman, 48 anyos, residente ng Brgy. Lopez Jaena Aurora Hill, Baguio City, bandang 2:15pm ng parehong araw sa nasabing barangay, ng pinagsamang tauhan ng PS6-BCPO, Tabuk MPS at CIDMU-BCPO.
Ang pag-aresto ay ginawa sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Dalanao sa kasong estafa sa ilalim ng Criminal Case Number 5293 na may piyansang P12,000.
Ang suspek ay dinala sa PS6-BCPO para sa dokumentasyon at nagpiyansa sa opisina ng Executive Judge, Regional Trial Court, Baguio City.
Bandang 2:30pm ng parehong araw, arestado rin si Cindy Ramos Ham a.k.a. Cindy Pespes Ham, 37, residente ng Lubas, La Trinidad, Benguet. Inaresto si Ham ng pinagsamang tauhan ng PS5-BCPO, La Trinidad MPS at CIDG Baguio sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Glenda T. Ortiz-Soriano ng Municipal Trial Court in Cities, Branch 3, Baguio City sa kasong estafa sa ilalim ng Criminal Case Number 138785 na may piyansang P300,000.
Ang suspek ay dinala sa PS5-BCPO para sa dokumentasyon bago ilipat sa issuing court.
Naaresto rin si Claribelle Guillermo Leung a.k.a. Rhealyn Lardizabal, 36, barangay secretary at residente ng East Modern Site, Aurora Hill, Baguio City, bandang 3:30pm ng parehong araw sa Ledesma St. ng nasabing barangay.
Ang pag-aresto ay ginawa sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Dalanao, presiding judge ng 2nd Judicial Region, Tabuk, Kalinga sa kasong estafa sa ilalim ng Criminal Case Numbers 5297 at 5298 na may piyansang P6,000 bawat isa.
Ang suspek ay dinala sa PS6 ng BCPO para sa dokumentasyon at nagpiyansa sa opisina ng Executive Judge, Regional Trial Court, Baguio City.

Amianan Balita Ngayon