43 jeepney drivers nakatanggap ng fuel subsidy mula sa Brgy. AZKCO

Metro BLISTT

BAGUIO CITY – Apanapu’t tatlong drayber ng pampasehong jeep ang nabiyayaan sa libreng krudo na ibinigay ng isang barangay sa central business district ng siyudad ng Baguio bilang ayuda sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasoline.

Ang AZCKO (Abanao, Zandueta, Chugum, Kayang, Otek) Barangay na may pinakamalaking passenger jeepney terminal mula sa 128 barangay sa lungsod ay namahagi ng 1.5 liters na diesel gasoline sa iba’t ibang jeepney organization sa nasasakupan noong Hunyo 15.

“This is part of the social responsibility of our barangay, nakaugalian na naming na mamahagi ng ayuda lalo na noong panahon ng pandemya sa naisip naming na bigyan pansin itong mga jeepney drivers na hikahos sa taas ng presyo ng gasoline, kahit hindi sila residente sa aming barangay, pero dito sila sa amin naghahanpbuhay” pahayag ni Punong Barangay Jefferson Cheng.

Aniya, ang barangay ay walang pondo sa mga ganitong programa, uamaasa lang tayo sa ating mga stakeholders at nagkataoon na nag-donate na konting halaga na ayaw ipabanggit ang pangalan para gamitin sa mga programa ng barangay at naisip niya ang jeepney driver.

“Sa ngayon kasi alternate pa ang biyahe ng jeep, kaya hirap an gating mga driver at bukod pa taas ng gasoline ay problema pa ang traffic at itong konting fuel subsidy ay malaking tulong na sa kanila.” Sinabi pa ni Cheng, na may tumawag sa kanya na may-ari ng gasoline station at
nagpahayag ng pagtulong na mag-donate ng krudo para sa mga jeepney, matapos mabalitaan nito ang ginagawang programa ng barangay, kaya’t inaasahan na may pangalawang fuel subsidy na magaganap.

Ayon kay Jett Alviar, jeepney driver “ sa haos 20 taon kong pumapasada ay ay ngayon ko lang naramdaman ang hirap, dahil sa ngayon alternate ang biyahe naming,tapos mataas ang presyo ng gasoline at problema pa ang traffic.” “Napakalaking tulong ang ginawa sa amin ng barangay at ngayon lang ito nangyari at sana magpatuloy ang ganitong programa, hindi lamang sa aming mga drayber,lalo na sa kanilang mga constituents,” pahayag pa ni Alvira.

Ayon naman kay Alvin Quinones, isa sa mga jeepney dispatcher, noong mga nakaraang buwan ay maraming drayber ang nag-iba na ng trabaho.”Sa hirap kasi ng pasada, kasabay pa ng pagtaas ng presyo ng gasoline ay maraming drayber ang limipat na ng ibang trabaho, dahil hindi na daw kaya ang kinikita para sa pamilya.”

Zaldy Comanda/ABN