45 WANTED PERSON NALAMBAT SA OPLAN PAGTUGIS NG CIDG

BAGUIO CITY

Nasakote ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group-Cordillera ang 45 wanted person resulta
ng pinaigting na anti-criminality campaign sa buwan ng Enero 2024. Ayon sa ulat, ang CIDG Cordillera ay nagsagawa ng 44 manhunt operation na humantong sa pagkakaaresto sa 45 personalidad, kabilang ang pitong Top Most Wanted Persons (TMWP). Ayon kay Col. Leo Talleo, regional chief, sa pitong most wanted personalities na
naaresto, tatlo ang nasa Regional level, dalawa sa Provincial Level at dalawa sa Municipal level.

Bukod dito, isang operasyon ang isinagawa sa kampanya laban sa Loose Firearms sa ilalim ng “Oplan Paglalansag Omega” na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang personalidad matapos magbenta ng baril nang walang kaukulang dokumento. Samantala, sa ilalim ng “Oplan Olea” isang entrapment operation ang isinagawa laban sa suspek sa kasong extortion, matapos magreklamo ang isang biktima sa pagbabanta ng suspek na ipapadala ang mga
hubo’t hubad na larawan ng biktima sa ilan sa kanyang mga kaibigan sa social media kung hindi ibibigay ng biktima ang pera na hinihingi ng suspek.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon