494 bagitong pulis, pinanumpa ni Sarona

Camp Bado, Dangwa, La Trinidad, Benguet – Nasa kabuuang 494 bagong pulis ang pinanumpa ni PRO-COR Regional Director PCSupt. Elmo Francis Oco Sarona na sinaksihan ng mga opisyal ng PRO-COR at ng mga magulang, kamag-anak ng mga bagong PO1 miyembro na sa hanay ng kapulisan na ginanap sa parade ground Camp Bado, Dangwa, La Trinidad, Benguet noong ika-16 ng Agosto, 2017.

Ang bilang ng kalalakihan ay nasa 334 samantala ang kababaihan ay nasa 160 bilang bahagi ng PRO-COR Regular Recruitment Program para sa taong 2017, ang 32 aplikante at isinaayos mula sa PRO3, dalawa mula sa PRO1 at pitong babae sa PRO4.

Sa panahon ng seremonya, ang miyembro ng Recruitment and Selection Board ay kusang naglaan ng awards para sa mga nagsikap sa selection process.

Sa mensahe ni Sarona ay ipinaabot nito na ang mga bagong recruits na pulis ay inaasahang mula sa kanilang pagkakapasok ay naging pag-aari na sila ng gobyerno sa hanay ng kapulisan na susunod sa lahat ng rules and regulation ng Philippine National Police (PNP) organization na hindi mag-alinlangan at bale-walain ang pagpataw na tumutugon sa kaparusahan na ayon sa mga batas nito. Sinabihan rin nito ang mga tagasanay na ibigay ang pinakamahusay na mahubog ang mga bagong kasapi upang pagkatapos ng kanilang pagsasanay ay ganap na silang nakahanda na haharap sa kanilang obligasyon at hawak na nila ang responsable maging police officers na maglingkod at protektahan ang mamamayan sa komunidad sa lahat ng kanilang kakayahan.

Ang 494 PO1 ay nai-turnover sa Cordillera Administrative Region na tinanggap ni PSupt Pergentino Noble Malabed Jr., Regional Training directors ng CARTS.

Ang pagtanggap sa mga nanumpa ay sumailalim rin sa mental at physical exercises upang lalong lumakas at manatiling masigla at malusog ang kanilang pangangatawan.

Matapos ang Public Safety Basic Recruit Course (PSBRC) ng anim na buwan sa Cordillera Training Center, kasunod rin ang Field Training Program (FTP) ng anim na buwan din bago tuluyang hawakan ang kanilang posisyon bilang permanenteng Police Officer 1 (PO1) na tatanggap ng buwanang suweldo na P14,834 kasama ang mga allowances at ibang non-cash benefits.

Ang mga bagong bagitong pulis ay maipupwesto sa may mga bakante para sa Police Officer 1 na ipapamahagi sa Police Regional Offices (PROs) at iba’t ibang National Support Unit. ABN

Amianan Balita Ngayon