5 mangingisda, huli sa illegal fishing

Nadakip ang limang kalalakihan dahil sa ilegal na pangingisda bandang 11:30am ng August 15 sa Barangay Bani, Rosario, La Union.
Ang lima ay hinuli ng pinagsanib na puwersa ng Rosario MPS at Sto. Tomas Police Station ng La Union kabilang ang mga miyembro ng Bantay Dagat ng Barangay Rabon, Bani, Damortis sa pangunguna ni Barangay Chairman Arthur Lopez na nagpatupad ng Republic Act 8550 Fisheries Code of the Philippines o Illegal Fishing.
Kinilala ang mga suspek na sina Rolano Abarquez Villanueva, 23 anyos; Jason Lagao Balagot, 18 anyos; kapwa single; Ruben Lagao Abarquez, 30 anyos; Vincent Cacayuran Lagao, 22 anyos; at Renald Aquin Aviles, 37 anyos; lahat ay may asawa at residente ng Barangay Baybay, Santo Tomas, La Union.
Nakumpiska sa mga suspek ang 5kilo ng iba’t ibang klase ng isda na may estimated market value na P300, pinong mesh net at bangkang pangisda. Ang mga suspek ay lulan ng Bangka na may tatak na M/G GWEN sa aktong pangingisda sa sakop na baybayin ng Rosario, La Union.
Ang mga nasabing suspek ay huli sa akto ng illegal na pangingisda sa Barangay Rabon, subalit nang mapansin nila ang mga miyembro ng Bantay Dagat na nagsasagawa ng patrolya ay tumakas sila papuntang hilagang bahagi hanggang narating nila ang Barangay Baybay, Sto. Tomas, La Union.

Amianan Balita Ngayon