5 taon, hamon sa pagpapatupad ng RPRH law

Aug 13, 2017

Nabigyan ng pansin ang Responsible Parenthood and Reproductive Health (RP-RH) Law na sa paglipas ng limang taon mula nang naisabatas ay hindi pa rin ganap na naipapatupad hanggang ngayon.

Nagsagawa ng talakayan sa lungsod ang mga kinatawan ng Philippine Legislators Committee on Population and Development (PLCPD) at ng ibang partners na pinangunahan nina PLCPD Executive Director Romeo Dongeto, Commission on Population–CAR Regional Director Rose Fortaleza, Benguet Health University Project Lead, Adivayan Youth Health Center Jude Tayaben at ang panauhin na si Benguet Governor Crescencio Pacalso noong Agosto 11, 2017.

Disyembre 2012 nang isinabatas ang RP-RH Law na panawagan sa pamahalaan ang apat na pangunahing probisyon: ipatupad ang age and development appropriate sexuality education; bigyan ng daan ang mga kabataan sa impormasyon at serbisyo sa reproductive health, kasama na ang family planning at HIV counseling at testing; siguraduhing may sapat na pondo para sa programa; at bigyan ng pagkakataon ang local government units na ipatupad ang batas sa pamamagitan ng pagsiguradong may kapasidad ang mga ito (sa larangan ng human resource, technical skills at pondo).

Subalit kapansin-pansin na laganap ang hamon sa RPRH law sa lahat ng sangay ng pamahalaan: sa tagapamahala, sa pambatasan at sa hudikatura at maging sa lahat ng antas ng pamahalaan, mula sa national hanggang sa lokal.

Sinabi ni Dongeto, “Inaasahan namin na sa darating na repasuhin at pagbabantay ng kongreso ang mga puwang at mga isyu sa parehong patakaran at pagpapatupad ay matutugunan ang mga hamon na ito at mapagtagumpayan.”

Dahil ngayong buwan ng Agosto ay pagdiriwang ng National Family Planning Month na nagsisilbi bilang isang paalala para sa mga tagasuporta ng RH upang manatiling matatag at para sa mga tungkulin na mamumuno upang magkasundo sa ganap at wastong pagpapatupad ng batas RPRH.

Ayon naman kay Fortaleza, “ayon sa Department of Health marami ang mga contraceptives na mawawala na ito yung ibang klaseng pills hanggang ngayong taon na lang so, ano ang implikasyon nito? Kung mawawalan na ng supply na pills ay hindi na gagamit, kung hindi mag-provide ang LGU o mag-purchase ng commodity ay hindi na sila gagamit. Right now sa Cordillera meron tayong 62,000 kababaihan na gustong magplano ng pamilya pero kung wala ng commodity na available sa ating mga RHU at hospital ay kawawa itong mga kababaihan.

“Kaya ang ginagawa natin ay tumutulong tayo together with DOH sa kampanya kasama ang PLCPD at ibang society organization na ma-impeach ang TRO, kaya bilang bahagi ng aming adbokasiya ay humihingi kami ng one million signature campaign para suporta maibigay sa Supreme Court na mai-lift yung TRO. So as of April, ang nakuha pa lang natin sa buong Pilipinas ay nasa 300,000. Inaasahan natin na magtagumpay tayo sa ating adbokasiya,” ani Fortaleza.

Buong suporta naman si Governor Pacalso para sa ikabubuti ng kababaihan sa Cordillera at sa mga nabibiktima ng rape ay kasama pa rin ito sa usaping responsible parenthood na kailangang mabigyan ng pansin at mapanatili ang proteksiyon lalo na sa mga menor de edad. ABN

RELATED POSTS

COURTESY CALL

COURTESY CALL

Hon. Jose Warren P. Villa, Vice Mayor San Juan City, Metro Manila paid a courtesy call to Baguio City acting Mayor Faustino A. Olowan at...

URBAN SKETCHING

URBAN SKETCHING

The two artists in the Session: SketchTour of Baguio on September 30 are Aurelio Castro III, sitting and sketching, in conversation with...

PART AT YOUR OWN RISK

PART AT YOUR OWN RISK

-diggings of sewerage projects along Kisad Road cause traffic problems to motorists due lack of road signs Carlos C. Meneses/ABN

AMIANAN POLICE PATROL

4 police commissioned officers nakakuha ng mataas na posisyon sa PROCOR BAGUIO CITY – Apat na police commissioned assumed key positions at...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest