50 MIYEMBRO NG COMMUNIST TERRORIST GROUP, SUMUKO SA CORDILLERA

CAMP DANGWA, Benguet – Umabot na sa 50 miyembro ng Communist Terrorist Group ang nagbalik loob sa pamahalaan, na ang pinakahuling naidagdag ay ang isang 30 anyos na lalaki sa lalawigan ng Abra ang
boluntaryong sumuko sa Police Regional Office-Cordillera,La Trinida d,Benguet, noong Agosto 1.

Sinabi ni BGen. Ronald Oliver Lee, regional director, boluntaryong isinuko din ni Alyas Ka Berto ang kanyang
baril na Cal 45 pistol na may pitong live bullets. Ayon kay Lee, si Ka Berto ay kusang-loob na sumuko matapos ang serye ng negosasyon na sinimulan ng magkasanib na operatiba ng PROCOR at AFP sa tulong ng mga opisyal ng barangay at kanyang pamilya.

Ang dating CTG, ay dating miyembro ng Kilusang Larangang Guerilla (KLG) North Abra na kumikilos sa mga
lalawigan ng Abra at Apayao. Agad naming binigyan ng financial assistance ni Lee ang dating rebelde na ngayon ay
nasa kustodiya ng PROCOR Regional Intelligence Division (RID) para sa kaukulang dokumentasyon at sumasailalim na sa debriefing. Sa kabuuang bilang mula Enero hanggang Agosto 1, ay 10 rebelde ang sumuko mula sa Abra; 20 sa Apayao;9 sa Mt.Province;8 sa Benguetat tigisa sa Ifugao,Kalinga at Baguio City May kabuaang pitong rebelde ang naaresto, dalawa ang nadakip at isa ang napatay sa enkuwentro,samantalang 19 firearms ang narekober. Noong 2021 ay may 227 rebelde ang sumuko, isa ang nadakip,lima ang napatay at 81 firearms ang narekober.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon