51 WANTED PERSON NASABAT SA CORDILLERA

LA TRINIDAD, Benguet

Nasakote ng pulis Cordillera ang 51 individual na pawang wanted sa batas, matapos ang matagumpay manhunt operation na isinagawa mula Disyembre 8 hanggang 14. Bukod dito naitala din Police Regional Office-Cordillera na
zero crime incidents sa 59 munisipalidad sa buong rehiyon sa loob ng isang linggo. Ang mga operatiba ng pulisya mula sa iba’t ibang yunit ay nagsagawa ng mas pinaigting na manhunt operations, na humantong sa pagkahuli ng 51 wanted persons, kabilang ang walong indibidwal na nakalista bilang Top Most Wanted Persons (TMWP) sa Provincial Level at siyam na indibidwal. Nakalista bilang TMWP sa Municipal Level.

Sa mga naaresto, nanguna ang Baguio City Police Office na may pinakamataas na bilang, na naaresto na 20 wanted
person; sinundan ito ng Benguet Police Provincial Office na may 11 naaresto, Ifugao PPO na may walo; Apayao PPO na may apat; Kalinga PPO at Mountain Province PPO na may tig-tatlong arestado, at Abra PPO na may dalawang arestado. Sa patuloy na pakikipagtulungan sa pagitan ng PNP at ng mga lokal na komunidad at pagtaas ng presensya ng pulisya ay nagresulta sa zero na insidente ng krimen sa 59 na munisipalidad sa rehiyon.

Kabilang dito ang 21 munisipalidad sa Abra, sampung munisipalidad sa Mountain Province, walong munisipalidad sa Benguet, tig-pitong munisipalidad sa Apayao at Ifugao, at anim na munisipalidad sa Kalinga. Ang tagumpay na ito ay sumasalamin sa dedikasyon at pagsusumikap ng ating mga pulis sa pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng ating
mga komunidad. Patuloy naming paiigtingin ang aming mga pagsisikap na lansagin ang mga kriminal na network at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Cordillera,” pahayag ni Brig.Gen.David Peredo,Jr., regional director.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon