56 WANTED PERSON ARESTADO SA MANHAUNT OPERATION SA CORIDLLERA

CAMP DANGWA, Benguet – Nasa 56 na wanted ang nasakote ng Police Regional Office- Cordillera sa isinagawang manhunt operation mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng PROCOR Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), naitala ng Baguio CPO ang pinakamataas
na bilang ng mga naaresto na may 19 na wanted person, kasunod ang Benguet PPO na may labingwalong 18 arestado; tig-anim sa Kalinga PPO at Ifugao PPO; Apayao PPO at Abra PPO na may tig-tatlong pag-aresto at Mt. Province PPO na may isang pag-aresto.

Sinabi ni BGen.Mafelino Bazar, regional director, ang highlight ng weeklong manhunt operation ay ang pagaresto sa 11 indibidwal na nakalista bilang Most Wanted Persons kung saan, isa ang nakalista sa Regional Level, lima sa Provincial Level, tatlo sa City Level at dalawa sa ang Municipal Level. Sinabi ni Bazar, bilang resulta ng pinaigting na presensya ng pulisya at maximum deployment ng mga tauhan, sa parehong panahon, 54 na munisipalidad sa Cordillera Region at limang istasyon ng pulisya ng Baguio
City Police Office ang naitala ang zero crime incidents.

Sa Abra, 24 sa 27 munisipalidad ang nagtala ng zero crime incident habang sa Kalinga, 6 sa 8 na munisipalidad ang nagtala ng zero crime incident. Sa Mountain Province at Benguet, 7 sa kanilang mga
munisipyo ang nagtala ng zero crime incident habang sa Ifugao at Apayao, 5 sa kanilang mga munisipyo ang nagtala ng zero crime incidents. Dagdag pa, Loakan Police Station(PS4); Aurora Hill Police Station (PS6); Naitala ngKennon Road Police Station (PS8), Irisan Police Station (PS9), at Marcos Highway
Police Station (PS10) ang zero crime incident sa 10 police station sa Baguio City.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon