58 infra projects tinapos ng DPWH sa Benguet

Feb 9, 2018

LA TRINIDAD, Benguet – Iniulat ng Benguet First District Engineering Office (DEO) ng Department of Public Works and Highways sa Cordillera (DPWH-CAR) na may 58 infrastructure projects ang natapos ng kagawaran noong 2017 na nagkakahalaga ng P674.5 milyon.
Sinabi ni District Engineer David Buliyat na ang pondo ay mula sa 2017 regular infrastructure budget ng ahensiya.
Base sa 2017 accomplishment report, ang mga natapos na proyekto ay tourism roads, mga tulay, flood control, rainwater collection facilities, at multi-purpose buildings. Sakop ng Benguet First DEO ang limang bayan ng Itogon, Tuba, Bokod, Kabayan at La Trinidad.
Nakasaad sa ulat na ginawa, inayos at ni-rehabilitate ng ahensiya ang may 7.17 kilometrong daan na may halagang P168.711 milyon.
Kabilang dito ang Baguio-Bauang, Baguio-Bontoc at Shilan-Beckel roads.
May P6.5 milyon ang ginamit din sa replacement, maintenance, at rehabilitation ng mga tulay sa mga national roads.
Ang mga tulay na ito ay ang Ambayek bridge sa Gurel-Bokod-Kabayan-Buguias-Abatan road; Batuan bridge sa Asin-Nangalisan-San Pascual, Tuba Benguet-La Union boundary road; at Bongis bridge sa kahabaan ng Gurel-Bokod-Kabayan-Buguias-Abatan road.
Nasa P120.030 milyon ang ginamit upang makumpleto ang pitong flood control projects, kabilang ang repair at maintenance ng dikes, river walls at waterways.
Ang flood control projects ay sa Balili, La Trinidad; Bangao at Poblacion, Bokod; Chogong-Danas at Poblacion sa bayan ng Kabayan; at Twin Peaks sa bayan ng Tuba.
Natapos din ang farm-to-market roads, school buildings at day care centers na nagkakahalaga ng P38.4 milyon.
Ang mga ito ay sa Barangay Poblacion; Sitio Kabayasan-Tadimoymoy ng Barangay Adaoay; Beleng-Mawini-Balangabang ng Barangay Duacan; at Ekip-Apunan sa Kabayan Barrio, lahat ay nasa munisipalidad ng Kabayan.
Ang mga natapos na multi-purpose buildings ay sa Alapang, La Trinidad; Ambuklao (Ambuklao-Bokod), Bisal Proper, Bobok-Bisal at Nawal, lahat sa Bokod; Bagong, Banengbeng, at Bulluay sa Sablan; Camangan sa Itogon; at ang Rural Health Center sa Barangay Poblacion sa Tuba.
Natapos din ng ahensiya ang konstruksiyon ng Ballay-Tabio-Tonoman-Lusod road na papuntang tourism sites ng Bulalacao Lakes at Mt. Tabeo sa Kabayan.
Gayundin ang Guisset-Binga-Baloy-Baloy-Tinongdan road na papuntang Binga dam at Mt. Ugo na lugar ng International Sky Running sports event sa Itogon.
Natapos din ang 989 meters farm-to-market roads na nagkakahalaga ng P4 milyon, na pinondohan ng Department of Agriculture (DA) at Department of Agrarian Reform (DAR). ABN

RELATED POSTS

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest