6 anyos na bata, nasagasaan

Nasagasaan ang 6 anyos na bata bandang 12:10pm ng Agosto 1, 2018 sa kahabaan ng Calderon Street, harap ng Prime Hotel, Baguio City.
Ang biktimang si Sophia Hailary Diaz Ayson, 6 anyos, grade 1 at residente ng Lower Engineers Hill, Baguio City, ay aksidenteng nasagasaan ng Toyota Hi-lux Pickup na may plakang FEV-398 at minamaneho ni Bienvenido Cordero Asong Jr., 25 anyos, single, self-employed at residente ng Suello Village, Baguio City.
Ayon sa imbestigasyon, tinatahak ng nasabing sasakyan ang daan pakaliwa patungo sa direksyon ng Calderon Street nang aksidenteng nasagasaan ang biktimang tumatawid kasama ng kaniyang lolo na si Lazaro Delos Santos Ayson, 54 anyos, driver, na may parehong address ng biktima.
Bilang resulta, nagtamo ang biktima ng mga sugat sa kaniyang kaliwang braso at kaliwang paa kung kaya’t dinala ng suspek at lolo ang biktima sa BGHMC para sa agarang lunas.
Kinumpiska ng mga rumespondeng traffic investigator ang driver’s license ni Asong kasama ang OR/CR ng sasakyang sangkot at binigyan ito ng traffic citation ticket.

Amianan Balita Ngayon