LUNGSOD NG BAGUIO – Bumuhos ang pakikiramay sa tanggapan ni dating Congressman Nicasio Aliping, Jr. dahil sa kalunus-lunos na sinapit na pagkamatay ng 6 na campaigner nito habang binabagtas ang pabulusok na daan sa Suello Village, Asin Barangay nang mawalan umano ito ng preno at bumaligtad ang jeep na kanilang sinasakyan.
Ayon sa ulat ng pulisya tatlo ang agad dead on the spot na kinilalang sina Elizabeth Panes, 54, Richelada Abicar, 47, at Julia S.Labi. Hindi na rin umabot sa Baguio General Hospital and Medical Center si Adelina Pimentel Agsaway, 68 anyos.
Samanatala, sina Josephine Mayocyoc Ag-a, 59 at John Rey Abaigar Passi, 6, ay binawian ng buhay dahil sa malubhang sugat na kanilang tinamo noong Miyerkules na kung saan ay umabot sa anim (6) na katao ang naiulat na namatay sa nasabing trahedya.
Kinilala rin ng pulisya ang mga nasugatan sa aksidente na sina Agnes Buarao Ag-a, 43, married; Judith Abiogan Siplat, 47, single; Robert Yaeng Sibal Jr., 21, single, student; Jonalyn Palatik Dekdeken, 26, married, housewife; Kyle Rector Libua Lardizabal, 10, Grade 5 student; Kellycent Libua Lardizabal, 14, Grade 8 Student; Michael Ogayan Boligon, 39, married; Jovelyn Banasan Gados, 42, single, selfemployed; Shirlyn Banasan Gados, 40, married, housewife; Shantal Gados Gonnay, 5; Alma Dewalan Allera, 46, married, housewife; Travis Bagayao Aliping, 13, Grade 8 student; Ryjen Ondong Palatic, 15, Grade 9 Student; Mercedes Cawilan Guerero, 49, widow; Nary Grace Gorgonia Castro, 30, single; Patrick Zhean Castro Paylor, 5; Hilaria Yaeng Sibal, 56, married, housewife; Sally Lis-eg Balaodan, 39, married, store owner Josephine Mayocyoc Ag-a, 59; Gloria Gatarin Simsim, 64; Robert Jaeng Sibal, 21; at si Josephile Gayo Ligligan, 42.
Sakay umano ng naturang jeepney ang ilang political campaigner at mga taga suporta ng grupo ng “Onjon ti Baguio” na bitbit ang political party ng Liberal Party sa lungsod ng Baguio na galing umano sa may Sto. Tomas na nangampanya at tutungo na umano sa barangay Asin upang mangampanya.
Paliwanag pa umano ng mga nakasaksi ay napansin nila ang mabilis na takbo ng jeep pababa sa kalsada ng Suello Village nang mawalan umano ito ng preno na kung saan ay ibinangga ng drayber sa isang concrete barrier ngunit dahil sa malakas na impact ng pagbangga nito ay bumaligtad ang nasabing jeep na kung saan ay agad na may naiulat na namatay on the spot.
Sa ngayon ay nanawagan si Aliping na tulungan na lang silang ipagdasal ang mga kaluluwa ng mga nasawi at ang agarang paggaling ng mga nasugatan na kasalukuyang ginagamot sa hospital.
Ace Alegre/ABN
April 27, 2019
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025