62 ILLEGAL LOGGERS ARESTADO SA CORDILLERA

LA TRINIDAD, Benguet

May kabuuang P8,208,325.21 halaga ng mga iligal na kahoy ang nakumpiska, habang nasa 62
illegal loggers ang nahuli sa pinaigting na anti-illegal logging operations ng PRO Cordillera noon taong 2023. Sa talaan ng Regional Operations Division, mayroong kabuuang 272 anti-illegal
logging operations ang isinagawa na nagresulta sa pagkakaaresto ng 62 indibidwal na nahuling nakikisali sa illegal logging activities.

Ang mga operasyon ay nagresulta rin sa pagkakakumpiska ng 79,316.41 board feet ng illegally sawn lumber, na nagkakahalaga ng Php8,208,325.21. Naitala ng Kalinga Police Provincial Office ang pinakamataas na bilang ng mga naaresto na may 25 indibidwal, na sinundan ng Ifugao PPO na may 15 na arestuhin, ang Apayao PPO na may 10 naaresto, at ang Baguio City Police Office at Benguet PPO na may tig-6 na arestuhin.

Bukod sa anti-illegal logging operations, ang mga pulis ng Cordillera ay nanatiling aktibo sa kanilang pagsisikap sa pangangalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba’t ibang tree-planting activities, cleanup drives, at forest patrols.

Batay sa talaan mula sa Regional Community Affairs and Development Division, mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2023, may kabuuang 64,899 na punla ng sari-saring mga punong namumunga at hindi namumunga mula sa 1,265 na aktibidad ng pagtatanim ng puno ng mga tauhan ng pulisya sa iba’t ibang lugar sa Rehiyon ng Cordillera.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon