65TH PUBLIC LIBRARY DAY, IDINAOS SA LIBTALK

BAGUIO CITY

Nagtampok ng LibTalk ang Baguio City Public Library (BCPL) kasabay ng selebrasyon ng 65th Anniversary nito na may temang “Ikaw, Ako, at at Pampublikong Aklatan: Higit Animnapu’t Limang Taong Pagtutugunan”, noong Marso 8. Pinasinayanan ni Librarian IV Easter Pablo ang pagbubukas ng naturang selebrasyon kung saan ibinahagi niya ang iba’t ibang aktibidad na isinagawa ng BCPL nitong mga nakaraang taon hanggang sa kasalukuyang. Ipinagmamalaki rin ni Pablo ang naging matagumpay na reading programs bago ang pandemya kung saan sampung paaralan ang kanilang napuntahan, at hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang programang ito.

“In celebration of the Public Library Day, since this is a Public Library, so we enjoined the whole nation celebrating the Public Library Day,” pahayag ni Pablo. Ilan pa sa mga aktibidad na hinandog ng BCPL sa publiko ay ang mga pa-
contest, nagaya ng logo na ginagamit ngayon ng naturang establisyemento ay nanggaling sa mismong patimpalak. Sa pagdiriwang ng anibersaryo, sila ay magkakaroon ng Commercial Making Contest at inaanyahahan ang publiko na makibahagi at magsumite ng kanilang mga entries hanggang Marso 17.

“In celebration of our Public Library Day, may pakulo po ang ating pampublikong aklatan, at syempre yung ating mga OJTs mayron din silang mga pakulo. And of course, magla-launch din po kami ng panibagong product ng BCPL, so sana po, babasahin niyo because this will be available in print and in online,” pahayag ni Pablo. Ini-anunsiyo niya rin ang paglulunsad ng CommuRead, isang newsletter na inilalabas bawat buwan, na una na itong isinapubliko noong Enero ng kasalukuyang taon, na maaaring ma-access online at offline.

Sa pakikipagsabayan sa mga makabagong teknolohiya, kung matatandaan, patuloy pa rin ang libreng internet at printing services ng aklatan sa publiko, at tuwing Biyernes naman ay nagkakaroon sila ng LibTalk, na puno ng entertainment, informative, at education talks kasama ang iba’t ibang guest. Mainit at taos-pusong ipinahayag ni Pablo ang kanyang pasasalamat sa mga volunteers at sa mga empleyado ng BCPL sa pagpapanatili ng aklatan at sa patuloy nitong pagtugon sa pangangailangan ng publiko at komunidad.

By: Valerie Ann E. Dismaya/UB-Intern

Amianan Balita Ngayon