67th Foundation ng LT, hanap ay pagkakaisa at pagkakaibigan

LA TRINIDAD, BENGUET – Isang simpleng programa ang isinagawa sa pagtatanghal ng pagdiriwang ng ika-67 taon pagkakatatag ng munisipyo ng La Trinidad, Benguet noong June 16, 2017 sa Municipal Gym.

Idineklara ng Malacanang bilang special non-working day sa ilalim ng Presidential Proclamation no. 234 na nagsasaad “it is but fitting and proper that the people of La Trinidad be given full opportunity to celebrate and participate in the occasion with appropriate ceremonies” La Trinidad municipality was organized under RA No. 531 dated June 16, 1950.

Pinangunahan ng municipal department heads ng local government units, La Trinidad Municipal Police Station, line agencies, business and cooperative sectors, school institutions at dinaluhan ng barangay officials ng 16 barangays, iba’t ibang lupon ng kababaihan, senior citizens association, youth organization, ilang representative mayors ng Benguet municipalities at si provincial Governor Crescencio C. Pacalso.

Sinimulan ang pagdiriwang sa pagtitipon sa alay ng panalangin at misa bilang pasasalamat at papuri sa Panginoong Diyos.
Panauhing pandangal si Representative Harry L. Roque na nagbigay buhay at umaasa na mabigyan ng katuparan para na rin makinabang ang buong probinsya ng Benguet sa kanyang talumpati ay inisa-isa nito kanyang mga panukalang batas tulad ng HB 225 para sa libreng pangangalaga para sa lahat ng Pilipino, HB 2662 na pagtatalaga sa mga barangay captain bilang mga government employees, HB 3276 na pambansang programang libreng pananghalian para sa mga estudyante sa elementarya, HB 3185-pagsasaayos ng budget para sa pantay na pamamahagi ng pondo sa pambansa at lokal na pamahalaan, HB 4755-regulasyon sa pagpataw sa karagdagang buwis na naayon sa paggastos ng pambansang pamahalaan at HB 00253-pagpapatibay sa pambansang polisiya sa HIV at AIDS at pagtatag sa Philippine National HIV at AIDS plan. Ito ang mga isinusulong ni Roque sa ilalim ng Kabayan Partylist (Kalusugan, Pabahay at Kabuhayan).

Sa panayam ng Amianan Balita Ngayon kay La Trinidad Mayor Romeo K. Salda, “Isang malaking pasasalamat ko ito sa patuloy na pakikipagkaisa ng municipal officials mula kay Bise Mayor Joey Marrero at sa mga masigasig na miyembro ng Sanggunian na sina councilors: Roderick C. Awingan, Nestor T. Fongwan Jr., Henry M. Kipas, Estrella B. Abedan, Honoracio A. Ramos Jr., Renato B. Tereng, Arthur M. Shontogan, Guiller A. Galwan, ABC Rep Teddy M. Quintos at IP Rep. Marcelo A. Abela. Sa mga magigiting namin kapulisan na patuloy ang 24/7 na pagtupad sa kanilang mga tungkulin para sa pagbabantay sa buong komunidad at mamamayan ng La Trinidad ay ma-protektahan ang ating mga kababayan at mga bisita, maging ang masisipag nating mga barangay officials na kayo ang nangunguna para sa kapayapaan at katahimikan ng inyong mga nasasakupang barangay ay naniniwala akong mapapabilis ang pagsulong natin maiangat ang ating pangkabuhayan sa pamamagitan ng ating ganap na pagkakaisa at pagtutulungan.”

“Nabibigyan na natin unti-unti ng katuparan ang pag-unlad ng ating pinakamamahal na bayan ng La Trinidad dahil patuloy nasusustina ang mga pangangailangan ng ating mga magsasaka para sa lalong sa ikatatagumpay ng ating Strawberry Farm, kinilala tayong Salad Bowl of the Philippines, masagana tayo sa mga pangunahing gulay at mga bulaklak tulad ng roses. Ang lahat ng ito ay dahil sa inyong mga pagsisikap, mga abilidad at kakayahan para ang La Trinidad ay posibleng malayo na ang mararating natin,” ani Salda.

Ang pinaka tema ngayong taon ay “La Trinidad: where unity and friendship find home”. ABN

Amianan Balita Ngayon