470 magsasaka sa Pangasinan, binigyan ng land titles ng DAR

Jun 18, 2017

URDANETA CITY – Namahagi ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng mga titulo ng lupa sa 470 Pangasinenseng magsasaka sa pagdiriwang ng Farmers Festival na bahagi ng anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
Personal na ibinigay ni Secretary Rafael Mariano sa mga benepisyaryong magsasaka ang kanilang Certificates of Land Ownership Awards (CLOA) na kaniyang inilarawan bilang isang “historical activity” para sa mga magsasaka noong June 8.
Ang mga land title ay sumakop sa mahigit 654 ektarya ng agricultural land at ang DAR ay magpapatuloy na tignan ang kailangan ng mga magsasaka, upang ang mga benepisyaryo ay maaaring masiyahan sa kanilang lupang sakahan, ani Mariano.
“Itong lupa ay ibinibigay sa inyo ayon sa batas… at lagi kong sinasabi, huwag kayong mang-aagaw ng pinagpawisan ng iba at ipapakain ninyo sa sarili ninyong pamilya,” saad ni Mariano sa ginanap na pagdiriwang.
Aniya, ang hamon ngayon sa DAR ay ang paglalagay sa mga hindi pa nailalagay na benepisyaryo na may hawak ng CLOA o patents.
“Mahalaga ang actual possession ng awarded land sa kanila. Hindi kumpleto ang kasiyahan pag hawak na ang CLOA pero malakas pa rin ang resistance ng land owner,” paliwanag ni Mariano.
Isinasaad sa Republic Act 6577 o CARP Law na ang karapatan at responsibilidad ng mga benipisyaryo ay magsisimula pagkatanggap nila ng emancipation patent o CLOA kasama na ang kanilang actual physical possession, aniya.
Sa pagdiriwang, namahagi ang Kalihim ng certificates of completion sa 71 nagtapos ng Farmers Business Schools at sa 144 nagtapos ng mandatory training na isinagawa ng Cooperative Development Authority (CDA). VHS/PIA-1, Pangasinan / ABN

RELATED POSTS

AMIANAN POLICE PATROL

2 Male minors arrested for possession of illegal drugs and airsoft guns Two minors involved in a commotion were arrested after they were...

HEARING AID

HEARING AID

DOH-Ilocos Region Chief of Local Health Support Division Jimuel S. Cardenas, hearing aid recipient -Ryan K. Palacay, Regional Director...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest